Para sa iba, mas praktikal ang pamimili ng mga lumang bahay pagkat ito ay mura ngunit kinakailangang ipaayos upang magmukhang maganda at bago ulit.

Samantala, may mga pagkakataon na mayroong mga madidiskubreng misteryo sa loob ng mga bahay na ito lalo na kung matagal na itong nakatayo.

Kagaya na lamang ng mag- asawang ito mula sa Ohio. Nagdesisyon silang mamili ng lumang bahay at iparenovate.

Nang simulant ang bawat hakbang, unti- unting naungkat ang mga sikreto at kayamanang nakatago sa bawat sulok ng kanilang bagong tirahan.

Una nilang pinuntahan ang pinaka basement ng bahay at doon ay napansin nila ang nakausling plywood.

Nang kanilang tanggalin ang plywood ay nakita nila ang graffiti sa dingding na may iba’t ibang simbolo na nakasulat.

Sa pinaka loob ng kisame, napansin nila na may nakaipit na kahon na kulay berde at silver na saktong sakto ang sukat sa pagitan ng mga kahoy.

Hinila nila ito gamit ang kanilang buong lakas dahil masikip masyado ang pagkakalagay nito. May kabigatan din ang kahon na kanilang nakuha kaya sigurado silang may laman ito.

Magkahalong kaba at excitement ang nadarama ng mag- asawa ngunit hindi nila agad ito binuksan.

Kinabukasan ay nagdesisyon na silang buksan ng sabay ang kahon kung sakali mang may hindi magandang mangyari.

Binuksan nila ang kahon ng dahan- dahan at natuklasan na puno ito ng mga lumang pera. Bulto bulto ang pagkakaayos nito.

Mayroong 20, 50, at 100. Binilang nila ang pera na umabot ng $23,000 bukod pa sa mga relo habang nagtataka kung bakit may pera na itinago sa kisame at bakit hindi ito binalikan ng may-a ri para kuhanin.

Bukod sa mga lumang pera, nakita din nila ang lumang dyaryo na gawa pa sa Cleaveland noong 1951. Inisip ng mag- asawa na isa ito sa kasagutan.

Dinala agad nila ito sa FBI upang maimbestigahan ng maayos. Sinabi din ng FBI na may halaga pa ang mga perang nakuha kaya nanghingi ng tulong ang mag- asawa sa abogado upang ma appraise ang kayamanang nadiskubre.

Saglit na nagpahinga ang mag- asawa at nasaya sa kanilang nakuhang kayamanan saka bumalik sa pagrerenovate.

Isa nanamang maleta ang kanilang nakita na tila mas mabigat pa sa una nilang nadiskubre. Laking gulat nila nang ang laman ng nito ay pera na umabot ng $ 45,000!

Labis ang kasiyahan na naramdaman ng mag- asawa dahil magagamit nila ito sa pagpaparenovate ng kabuang bahay.

Hindi pa doon nagtatapos ang lahat. Nakita nila ang isang kwarto na tila nakakatakot pasukin. Humingi naman sila ng tulong mula sa FBI.

Naalala din ng mag- asawa na ang sabi ng kanilang realtor ay mayroong isang kwarto sa bahay na may heater. Ngunit nang kanilang siyasatin ay walang nakalagay na heater sa isang blangko at madilim na kwarto.

Napansin din nilang soundproof ang ang kwarto at kinutuban na sila sa misteryo ng kwartong ito na tila mayroong mga nagaganap ng krîmen.

Sinilip nila ang iba pang parte ng kwarto at doon ay may nakita nanaman silang maleta ngunit ngayon ay hindi nap era ang laman kundi limpak limpak na mga alahas kagaya ng relo, jewelry box, singsing, envelopes at iilang pera na mula sa iba’t ibang bansa.

Sa kanilang pag- aantay sa pulis, nadiskubre nila ang isang safety box. Muli nilang binuksan ito at natagpuan ang sulat na nagsasabing “save yourself”.

 

Bukod doon, laman din nito ang VHS Tapes na may nakasulat na “Do Not”. Anima ng kabuuang bilang ng tapes na nakita at lima naman ang may label dito. Ipinaubaya nila ito sa FBI upang imbestigahan at hindi na nila ito pinakailamanan.

Sa kasalukuyan, ang FBI lamang ang may- alam kung ano ang laman ng mga Tapes.