Isa sa mga nais ng mag-partner o mag-asawa ay magkaroon ng anak na babae at lalaki ngunit hindi lahat ay nabibiyaan nito mayroon kasing mag-asawa na nagkakaroon ng puro lalaki at ang iba naman ay puro babae.

Tulad na lamang ng magpartner na si James at Staci na nagkaroon ng tatlong anak lalaki silang dalawa ay nais magkaroon ng anak na babae, dahil sa kagustuhan nila na magkaroon ng anak na babae nagkasundo sila na mag-ampon na lamang.

Ang naturang mag-asawa ay nakatira sa Weldon Spring Missouri nang sila ay lumapit sa isang bahay ampunan nakita nila ang isang batang babae na nangangailangan ng isang magulang at matititrahan kaya naman napag-isipan nila na ito ay amponin at ang pangalan ng bata ay Ella.

Ang batang si Ella ay hindi maayos ang kalagayan dahil ito hindi maganda abg kondisyon nito sa utak kaya ito ay naging isang rason kung bakit marami ang ayaw na pamilya na kumupkop sa bata.

Subalit para sa magpartner na James at Staci ito ang nakita nilang dahilan kung bakit nais nilang ampunin ang bata.

Nang makuha na nila si Ella at tumira sa kanilang bahay sa Weldon Springs napansin ng mag-asawa na mayroon pamilyang malapit sa kanila nakatira na nag-ampon din ng isang bata na mula sa Tsina na ang pangalan ay Kinley.

Kung saan ang batang si Kinley ay pitong taong gulang at may sakit din na kondisyon sa utak tulad ng sakit ng batang si Ella na sampung taong gulang na.

Magkalapit lamang ang bahay ng dalawang Pamilya at parehas pa ang kanilang pipuntahang simbahan dahil sa madalas na pagkikita ay naging malapit ang dalawang pamilya sa isa`t-isa at naging mag-kaibigan ang dalawang bata na sina Ella at Kinley.

Habang lumalim ang pagsasamahan ng dalawang pamilya napapansin nila sa dalawang bata na may pagkakaparehas sa pisikal na itsura ang mga ito.

Kaya naman kahit pa magkaibang parte sa Tsina kung saan nila inampon ang mga bata ay napagkasunduan ng dalawang pamilya na ipa DNA test ang dalawang bata.

Ipina-DNA nila ang dalawang bata para mawala narin ang kakaisip nila tungkol sa dalawang bata kung may relasyon nga ba ito sa sa isat-isa kahit na magkaiba pa sila ng pinanggalingang ampunan.

Ngunit ng lumabas ang resulta ng DNA test ng dalawang batang babae ay laking gulat ng dalawang pamilya dahil lumabas sa resulta ang 99.9% na magkapatid ang dalawang bata.

Dahil sa pangyayaring ito naniniwala ang dalawang pamilya na tadhana ang gumawa ng paraan para pagtagpuin ang magkapatid dahil kahit pa inampon sila ng magkaibang pamilya ay nagkita parin sila sa iisang lugar.