Marami sa atin ang gustong pasukin ang pagnenegosyo, Dahil sa trabaho ito ay ikaw ang boss at hawak mo pa ang oras mo at maari karin kumita rito ng kahit magkano.

Ngunit marami din ang hindi natutuloy sa pagnenegosyo dahil sa kakulangan ng kapital na pang puhunan siyang pangunahing kailangan upang makapag simula ng isang negosyo.

Subalit, Ayon naman sa iba ay hindi kinakailangan ng malaking kapital para makapagsimula ng negosyo. Sipag, tamang diskarte, pasensya at pagtiyatyaga ang kailangan para ito ay masimulan.

Pinatunayan naman ito mismo ng isang mag-asawa nqa nagtayo ng maliit na negosyo sa puhunan lamang na Php 100, Paano nga ba nila ito nagawa?

Mula sa isa sa mga bayan sa Batangas ang naturang mag-asawa na pareho umano sumasahod lamang ng minimun wages sa kanilang pinagtatrabahuhan na isang restaurant.

Kwento ng mag-asawa, Isang araw nga daw ay mayroon sa kanilang nag-alok ng isang bahay at lupa kung saan ito ay hulugan umano at hindi mabigat sa bulsa.

Subalit sa kasamaang palad dahil sa maliit na sahod ay wala silang maibayad kaya naman sa una ay hindi nila ito binigyan pansin.

Pero matapos ang ilang araw na pag-uusap ay naisip ng mag-asawa na kung sakali naman na kanilang mabili ang naturang bahay at lupa ay isa na itong investment na matatawag talaga nila na kanilang pagmamay-ari.

Kaya naman nag-isip ang mag-asawa kung paano nga ba madadagdagan ang kanilang kinikita para mabayaran ang kanilang panghulog sa lupa.

Ito ang naging daan para pumasok sila sa negosyo at kung ano-anong paninda ang kanilang sinubukang itinda.

Sa kanilang unang pagsabak sa pagtitinda ay kanilang sinubkan ang banana cue, ngunit ayon sa mag-asawa ay Php100-150 lamang kada araw ang tubo nila rito.

Hanggang sa naisipan nilang magdagdag ng ibang menu na pwde nilang itinda at isa na nga rito ay ang kanilang siomai.

Habang tumatagal ay napansin ng mag-asawa na tila ang kanilang panindang siomai ang binabalik-balikan ng kanilang mga customer, Kaya naman naisipan nila na magfocus na lamang sa iisang paninda at ito nga ay ang Siomai.

Ang kanilang paninda nga na Siomai ay ang nakapagbigay sa kanila ng magandang kita sa araw-araw, Kaya naman naging tuloy-tuloy ang kanilang negosyo hanggang sa nakabili na sila ng ilan pang mga foodcart na ginagamit nila sa kanilang mga reseller.

Huminto na rin sa pagtatrabaho ang mag-asawa sa restaurant, At kanilang sinimulan i-manage ng maayos at full-time ang kanilang negosyo. Hindi naman sila nabigo sa pagpasok sa negosyong ito.

Dahil ayon sa kanila mula sa kanilang siomai at maliit na puhunanay kumikita na sila ngayong mag-asawa ng Php45,000-50,000 kada araw.

Ayon pa sa mag-asawa, Ngayon nga ay hindi na sila nahihirapan pang bayaran ang kanilang mga utang at ang kanilang bahay na hinuhulugan ay nakuha na agad nila at natapos agad bayaran.

Ang mag-asawang ito ay isang patunay na hindi kinakailangan ang malaking kapital upang magsimula ng negosyo, ika nga nila basta`t mayroon kang sipat at tiyaga at tiwala sa sarili ay kayang-kaya mo magtagumpay tulad na lang ng mag-asawang ito.

Na kung dati ay nagsimula sa halos P150 lamang ang kinikita ngayon ay may kabuuan na umaabot ng halos P1.5 Million kada buwan.

Sana`y maging inspirasyon ang naging tagumpay ng mag-asawang ito para sa marami pang katulad nila na nagbabalak pasukin ang pagnenegosyo.