Ang pagpapakasal ngayon ay hindi biro, dahil sa hirap ng buhay lalo na ngayon na may kinahaharap tayong krisis.

Kaya ang karamihan sa atin ay nangangamba pang magpakasal dahil sa pinansyal. Ngunit sa kabila nito kahit may ilang mga natatakot pang magpakasal ay mayroon din mga tao na desidido magpakasal ngunit sa praktikal na pamamaraan.

Basta magkaroon lang ng basbas ng Diyos ang kanilang pagsasama at pagmamahalan.

Isa na diyan ang kwento kamakailan na usap-usapan sa social media, ang tungkol sa isang magkasintahan kung saan sa kabila ng pagiging praktikal nila sa kanilang pagpapakasal ay ginawa pa rin nila itong espesyal na araw para sa kanila na hindi nila makakalimutan na nangyari sa kanilang buhay.

Sa Facebook, ibinahagi ng netizen na na may pangalang Gwen Strong, ang kanilang pagiging praktikal sa kanilang kasal ng kanyang kasintahan.

Kung saan ayon kay Gwen kahit raw may dinaranas na Krisis ay nagdesisyon na silang magpakasal ng kanyang nobyo, dahil raw gusto na nilang mahing legal ang kanilang pagsasama.

Dagdag pa ni Gwen may anim na taon na rin silang nagsasama ng kanyang kasintahan.

Sa kabila nga raw ng patuloy pa rin nating nararanasan na pandemiya, ay hindi daw ito naging hadlang sa kanila para isakatuparan ang kanilang pangarap na Ikasal.

Ang kanilang simpleng kasalan ay sila mismo ang nagplano at kanilang pinaghandaan kung saan ay hindi na daw nila kailangan lang gumastos ng malaking halaga.

Ayon naman sa paglalahad ni Gwen, halis P4,000 lamang ang kabuuan na kanilang nagastos sa kanilang kasal. Ito ay dahil hindi sila bumili ng iba lang mga kinakailangan, katulad na lamang ng ‘wedding ring’ kung saan ay mas pinili nilang gamitin ang ‘promise ring’ nilang magmagkasintahan na noon pa nila suot-suot.

Pag dating naman sa susuotin ni Gwen na wedding gown ay naging praktikal din ito, dahil imbis na maganda at mamahaling gown ay mas minabuti niyang maghanap na lamang ng puting damit na maganda, nababagay sa okasyon.

Ganun din ang kanyang ginawa sa kasuotan na isusuot ng kanyang kasintahan.

Sa make-up naman ay wala daw problema kay Gwen, dahil polbo at lipstick lamang ay kuntento na sjya.

Imbis naman na kumuha pa sila ng photographer sa kanilang kasal ay cellphone camera na lamang ang ginamit nila at isa sa kanilang kapamilya lamang ang kumukuha ng mga larawan.

Samantala, ang simpleng kasal ng magkasintahan ay dinaluhan lamang ng kani-kanilang mga pamilya at malapit nilang kaibigan, kaya naman parang isang simpleng salo-salo lang din ang naganap sa kanilang reception.

Kwento pa nga ni Gwen, hindi nila kailangan ng mahabang panahon at kras sa naging paghahanda nila para sa kanklang ‘civil wedding’, kung susumahin nga daw at halos tatlong oras lamang ang kanilang naging preparasyon.

Ayon naman sa ibang nakakakilala sa kanila, dahil daw sa pagkasimple ng kasal ng magkasintahan ay hindi aakalain na ang dalawa ay naikasal na.

Ibinahagi naman ni Gwen na hindi mahalaga sa kanya ang magarbo o engrandeng kasal, dahil ang tanging mahalaga lamang para sa kanya ay maging legal ang kanilang pagsasama at pagmamahalan.

Isa sa pinaka-mahalaga sa kanila ayon kay Gwen ay ang suporta ng kanilang magulang.

Samantala, dahil sa naging pagttitipid ng magkasintahan sa kanilang kasal ay agad silang nakapag-ipon at nakapag pundar ng sarili nilang motorsiklo at bukod diyan ay nagawa rin nilang mag hiking sa Bundok Apo.

Sa naturong Bundok ay doon nila ginawa ang kanilang ‘post nuptial photo shoot’ at maging ang kanilang ‘honeymoon’ ngayon na silang dalawa ay legal ng mag-asawa sa mata ng tao at sa mata ng Diyos.

Pahayag naman ni Gwen para sa mga nagbabalak magpakasal, hindi kinakailangan na gumastos ng malaki para lang magpakasal sa taong iyong minamahal.

Kahit daw simple lamang ang kasal ay okay lang daw, dahil ang pinaka importante at mahalaga ay kasama mo ang iyong buong pamilya at mahal mo sa buhay habang kinakasal sa taong makakasama mo habang buhay.