Naalala niyo ba si Chuck Perez? Siya ang dating aktor at kilalang personalidad noong dekada 90, Lalo siyang nakilala dahil sa kanyang mga kontrabida roles.

Marami ang humanga kay Chuck sa kanyang galing sa pag-arte mapa Kontrabida man o Bida ang kanyang ganapan dahil kuhang-kuha niya ang manonood.

Nakasama na rin ni Chuck ang ilang mga beterano at sikat na personalidad. Sa katunayan nga isa sa kanyang mga naganapan ay ang pagkokontra bida sa isang sikat na pelikula ni Fernando Poe, Jr.

At dahil dito mas lalong nakilala si Chuck.

Ngunit ilang dekada na ang lumipas simula ng pumanaw si FPJ at marami na din ang mga personalidad na umalis sa showbiz. Isa na nga diyan ay si Chuck Perez.

Nang matapos ang pelikula na ginawa ni Chuck noong 2000 ay hindi na siya tumanggap pa ng ibang proyekto.

Napagdesisyunan na niya na mamahinga at umalis sa mundo ng showbiz. Nagtrabaho si Chuck sa showbiz industry ng 12 taon.

Narito ang ilang sa mga pelikula na ginampanan ni Chuck: “Ang Pumatay ng Dahil Sa Iyo” noong 1989, “Kapag Wala ng Batas” noong 1990, at “Codename: Bomba” noong 1998.

Sa kanyang pag aartista marami ang kontrobersiya na kanyang kinaharap, may mga nagsasabi na siya ay playboy at ang iba naman ay nagsasabi na isa siyang bakla.

Ngunit ang lahat ng mga espekulasyon na ito ay hindi inintindi ni Chuck bagkus lahat ay binalewala lamang at mas pinili na manahimik.

Nakalipas nanaman ang ilang taon na pananahimik niya sa showbiz, Isang balita naman ang kumalat na di umano ay patay na ang dating aktor na si Chuck Perez. Ngunit hindi naman totoo dahil buhay at malakas pa ang dating aktor.

Noong Abril lamang ay nakita si Chuck kasama ang kanyang kaibigan na si Edgar Mande dahil nagkaroon sila ng reunion sa San Francisco, California.

Si Chuck ay masayang naninirahan sa United States sa ngayon ay may edad na siyang 55-taon at kasalakuyang nagtatrabaho sa isang medical supplies company.

Sa dumaan na taon tila nadagdagan ang kanyang timbang ngunit makikita dito na masaya si Chuck sa kanyang buhay kung anong meron siya kahit pa wala na siya sa showbiz.