Labis kasiyahan na naidulot ng surpresa na hatid ng pamimigay na mga goods sa isang community pantry sa Dinaga, Cuatro Esquinas, Naga.

Ayon sa naging Facebook Post ng isa sa mismong organizer ng naturang community pantry na si Melody Miranda Conag, tatlo raw silang magkakaibigan na nagset-up ng pantry sa kanilang lugar.

Sa kanila raw na ikalawang araw ng community pantry ay kanilang natuklasan na ang mga donasyon daw na supot ng asin ng isa mga kaibigan ng organizer na si Nica Stephanke Banaag, ay naglalaman ng supresa sa loob nito.

Naglalaman daw ito ng mga pera na nakalagay sa hiwalay na plastik at nakasiksik sa loob ng asin.

Ayon sa naging caption post nito sa Facebook,

“Kahapon ‘yung friend ni Nica Stephanie Banaag nag-donate ng pre-packed na asin sa community pantry. Sabi namin medyo malaki pagka-repack. Not knowing na pinaipitan niya pala ng cash donation sa loob ng asin para sa mga makakakuha,”

“Naubos po ‘yan kahapon, ngayon lang namin nalaman na may pa-surprise pala ‘yan. May you be blessed more for your kindness and generosity. Siguradong marami kang napasaya! #humanityatitsbest.”

Bumuhos naman ang ibat-ibang komento at reaksyon mula sa mga netizens.

“Ok na ok ‘yan kung malinis talaga ang intensyon, basta walang papel na may pangalan sa loob.” wika ng isang netizen.

“Godbless sa inyong lahat maging doon sa nag donate ng asin na may pera, sanay marami pang matulungan mga pilipino na walang kakayahan bumili ng pagkain. May- Awa din ang Panginoon. Tayoy magtulungan.” -Turan naman ng isang netizen.

“Oh hindi ba ang galinggg!!! silent movement pero lakas ng datingan. Astig!” -wika naman isa pa ng Netizen

Tunay naman na napakalaking tulong talaga ng mga naglalabasan ng community pantry, nawa’y wag natin abusuhin ang mg ito at tayoy palaging sumunod sa kanila lalo na sa kataga nilang “Magbigay ayon sa kakayahan, Kumuha batay sa pangangailangan”.

At para naman doon sa nagdonate ng asin na may nakasiksik na surpresang pera, Saludo kami sayo.

Mabuhay ka!! Kaya naman para sa lahat huwag maliitin ang simpleng bagay na akala natin ay mababa lamang o walang halaga, baka tulad ng plastik na asin na ito mayroon palang malaking surpresa na nakatago sa loob nito.