Hindi na bago sa Pilipino ang pagtatrabaho sa ibang bansa. Ayon sa iba, isa daw itong matinding sakripisyo na kailangang gawin upang mabigyan ng magandang buhay ang naiwang pamilya sa Pilipinas.

Samantala, nakakadurog ng puso sa tuwing mayroon tayong nababalitaan na ang ating mga kapwa Pilipino na kumakayod at nagbabanat ng butø ay minamaltrato ng mga amo.

Ang video ay ibinahagi sa Sirbisu Channel kung saan makikita ang panawagan ng isang babae na umiiyak at humihingi ng tulong

Kagaya na lamang ng isang Pinay OFW na nobya ni Mj D Dtorre na kung saan pinagmamalupitan, inaåbusø at ayaw pauwiin ng amo kahit pa iginugol na nito ang 6 na taon ng kaniyang buhay upang pagsilbihan ang mga ito.

Higit pa doon, hindi daw ito pinapasahod kaya walang maipadalang pera sa pamilya.

Sa tuwing nahuhuli naman daw itong nag-ce-cellphone ay talagang nalilintikan ito sa kaniyang amo.

Nanawagan si Mj kay sir Raffy Tulfo upang maaksyunan ang kinakaharap na pagdurusa ng kaniyang nobya dahil sa kalabisan ng ibang lahi.

Ang kaniyang panawagan ay ibinahagi niya sa Radyo Singko 92.3 News FM.

Narito ang kanyang post:

Sir Raffy Tulfo ako po ay humingi ng tulong sayo sir ung girlfriend ko ngayon nasa Saudi sa Boriadha palage po siya ginagamit ng amo nya at ayaw po siya pauwiin dito sa Pinas kahit 6years na po siya nagtrabaho dun sir sana po matulungan nyo po siya sir nakakaawa po siya at ang magulang nya hindi na nya mapadalhan ng pera dahil ayaw din siya bigyan ng pera at pag nahuli po siya kinuha po yung cellphone sir. Maawa po kayo sa girlfriend ko sir sobra na po ang pagtitiis nya sa amo nya. Kahit po sa trabaho nya sir lahat pinagawa sa kanya mag palit ng ilaw n pundi at lahat ng sira s loob ng bahay sya po pinagawa sir

Source: Facebook