Ayon nga sa palaging sinasabi ng isang magulang, Makita lamang nila ang kanilang mga anak pagka-uwi galing trabaho at masilayan lamang ang mga ito ay napapawi na agad ang kanilang pagod at agam-agam sa buhay.

Marahil para sa isang magulang ay wala ng mas importante pa kundi ang kanyang mga anak, lahat ay kanyang gagawin para dito at kaya nga sila nag tatrabaho ay para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak.

Samantala, Isang kwento ang nagpaantig sa kalooban ng mga netizens ito ay dahil sa ibinahaging larawan ng netizen na nagngangalang Melody Silang, na tubong Batangas City.

Ayon sa kanyang Facebook account Nakita niya kasi ang mga anak ng kaniyang kapitbahay na naghahanda ng munting sorpresa para sa kaarawan ng kanilang Ama.

” Nakaka-touch naman ang mga kapitbahay ko sapagkat kahit mahirap lamang ang buhay nagawa nilang mag-effort para sa kaarawan ng kanilang ama, ang plano nila ay i-sorpresa ang ama pagdating sapagkat nasa trabaho pa ito,”

“Nakakataba ng puso ang ganitong mga eksena, sa kadahilanang walang perang pambiling lobo ay gumawa sila gamit ang plastic labo at sinulatan ng ‘happy birthday papa,’ at nagawa pa sila ng cake na gawa sa itlog,” saad ni Melody

Labis na nakakaantig ang ginawa ng magkakapatid para sa kanilang ama, Patunay lamang nito na hindi mahalaga kung wala tayong malaking o maraming pera basta ang mahalaga ay sama-sama ang buong pamilya. Dahil maging buo at malusog lang ang buong pamilya ay isa ng malaking regalo para sa atin.

Umani naman ito ng ibat-ibang komento at reaksyon mula sa mga netizens.

“Makikita mong napakabuti ng kanilang magulang, dahil lumaki ang mga batang ito na responsable, matalino at higit sa lahat kuntento kung anong meron. Naway pagpalain kayo ng ating Panginoon” -komento ng isang netizen

“Masaya ako na makakita nang ganyan, kahit mga bata pa, napakita at naparandam nila ang kahulugan ng tunay na pgmamahal sa knilang Papa.

Sana mapansin sila ni Jessica Soho, Willie Revillame, o Raffy Tulfo para mabigyan naman nang maayos na birthday celebration ang Papa nila,” pag-asam ng isa.

“Nakakatuwa dahil gumawa parin sila ng paraan para pasayahin ang kanilang Tatay, Godbless po sainyo, Mag tiwala lang po tayo may nakalaan pong biyaya ang Panginoon para sa bawat isa” -Turan ng isang netizen