Supportive Lolo, Kinuhanan ng Litrato ang Kaniyang Apo Gamit ang Lumang Cellphone habang Nagpeperform ito

Sa paglipas ng panahon, madami na ang naiimbentong mga modernong teknolohiya na magagamit upang makapagkonekta sa ating mga minamahal sa buhay.

Higit pa doon, nagagawa din nitong magtabi ng mga mahahalagang impormasyon kagaya ng text o pagpepreserba ng mga larawan.

Madami na ang lumabas na iba’t ibang brand ng gadgets na may magandang kalidad ng camera, sounds, makakaconnect sa Wi-Fi para sa internet at iba pa.

Ngunit hindi maitatanggi na malayo na nga ang ating narating na halos napag iiwanan na an gating mga lolo at lola. Gayun pa man, ginagawa din naman nila ang kanilang makakaya upang makasabay sa paraang alam nila.

Naantig ang mga netizens nang makita ang larawan ng isang lolo na kinukuhanan ng litrato ang kaniyang apo gamit ang lumang cellphone.

Maaaring ito ay mababaw para sa iba ngunit ang mensaheng nais iparating ng larawang ito ay ang pagmamahal at pagsuporta ng isang lolo sa kaniyang apo.

Bagaman hindi maganda at modern ang kaniyang ginagamit na telepono, nagawa niya pa ding ipakita kung gaano nila sinusulit ang pagkakataon upang masaksihan ang mga sandali na kasama nila ang kanilang apo sa mga natitirang panahon nila dito sa mundo.

Maswerte nga naman ang mga batang mayroon pang inaabutang buhay ang kanilang mga lolo’t lola dahil sa panahon ngayon, talamak na ang mga sakit na maaaring dumapo na nagiging dahilan ng pagpanaw ng isang tao.