Ang diskriminasyon ay hindi nab ago para sa ating mga Pilipino. Sa katunayan maski sa buong mundo ay mayroon nito.

Samantala, tunay ngang nakakadurog ito ng puso dahil ang mga taong ating iniiwasan at pinandidirihan ay mayroon din namang pakiramdam.

Kilala ang mga Badjao na madalas nagpapalaboy- laboy sa daan ngunit may ilan din na hindi naman ganito ang pamamaraan at pinagkakabuhayan.

Kagaya na lamang ng isang engkwentrong nangyari sa pampasaherong jeep na kung saan sapilitang pinababa ang mga Badjao kahit pa ang mga ito ay may pambayad naman.

” Magbabayad naman kami! Tao din naman kami.” Sambit ng ginang na Badjao.

Ayon sa kanila, hindi naman daw sila sumakay upang makalibre. Sa katunayan handa silang magbayad ng 60 pesos para sa pamasahe nilang tatlo.

Agad na nagviral sa social media ang naturang video na kung saan dumurog sa puso ng mga netizens. Tunay ngang ang diskriminasyon ay nakakasakit ng damdamin at nakakaapak ng pagkatao.

Mali na nagiging mapanghusga tayo sa ating kapwa tao. Maaaring nabibilang sila sa iisang sambayanan, grupo o iisa ng ginagalawan ngunit sila ay may puso’t isipan kagaya ng iba.

Maaaring nanlilimos nga ang iba nilang kauri ngunit hindi nangangahulugang lahat sila ay nanlilimos lang din.

Maging sensitibo tayo sa nararamdaman ng ibang tao dahil kung ilalagay natin an gating sarili sa kanilang sitwasyon, masakit din para sa atin na matain tayo ng ating kapwa Pilipino.