Natural sa mga bata ang makapaglaro sa labas, matulog tuwing siesta at maging masaya lamang na tila parang walang problema.

Ngunit ang kapalaran ng bawat tao ay hindi madalas umaayon sa iyong kagustuhan. Madami sa panahon natin ngayon ang mga batang nasa murang edad pa lamang ay umaako na ng mga responsibilidad na dapat ang nakatatanda ang gumagawa.

Viral ngayon sa social media ang kwento ng isang 10 taong gulang na nakilala bilang si Reymark Mariano mula sa Sultan Kudarat.

Ang kaniyang mga pahayag at kwentong buhay ang dumurog sa puso ng netizens na kung saan nagsilbi itong pangmulat ng mata sa lahat.

Sa kaniyang murang edad, napipilitan siyang mag- araro ng dalawang ektaryang bukirin para lamang may maipantustos siya sa mga ito.

Tinatayang 10 kg ang bigat ng kaniyang ararong tinutulak sa araw- araw katuwang ang kaniyang kabayo na si “Rabanos” na ani sa kanilang inaaning “labanos”.

Ayon sa kaniya, kailangan niya itong gawin upang makabili ng sardinas at gamøt dahil kapag wala silang ulam, tanging asin ang kanilang inuulam.

“Mahirap dahil maliit lang ako pero hanggat kaya maám kinakaya ko para sa aking pamilya.”

Kwento niya, 6 na taong gulang pa lamang nang tinuturuan na siya ng kaniyang lolo na sumakay at magkontrol ng kabayo.

Pinapanuod na din daw niya ito na mag araro kaya nang siyaý mag 7 taong gulang na, sinusubok- subukan niya na din itong gawin.

Kada isang kilo na kanilang nabebentang labanos ay kumikita sila ng 10 piso.

Pahayag ni Reymark, batid niyang wala na silang tyansa na yumaman dahil sapat na sa kanila ang makakain sa isang araw.

“Mahirap po Maám kung wala kang pera, hindi ka makakakain”