Marami tayong nababasa at napapanood ng mga social media influencers na namamahagi ng tulong sa mga taong lubos na nangangailangan.

Isa na nga diyan ang kilala ng marami na palaging tumutulong ay ang vlogger na si “Virgelyncares”. Marami na siyang taong natulungan at isa na nga sa mga ito ay ang 8 taong gulang na batang babae na tampok sa ating kwento.

Nakita ng naturang vlogger sa isang maliit na tindahan ang 8 taong gulang na batang si Jenny. Ayon sa vlogger nangungutang pala si Jenny kaya pumunta sa tindahan ng kape at asukal para sa kanya raw Ina na kumakalam na ang sikmura.

Napag-alam na ang Ina ni Jenny ay mayroon malubhang karamdaman, Kaya kahit sa murang edad ni Jenny siya na ang gumagawa ng gawaing bahay.

Nang kausapin ng naturang vlogger ang Ina ni Jenny dito nalaman na nabinat raw pala ito sa kanyang panganganak dahilan kung bakit siya ay nakahiga na lamang at hindi na makakilos.

Ayon pa sa Ina ni Jenny, Nahihirapan na rin daw siya sa kanilang sitwasyon lalo nat napapabayaan na daw niya ang kanyang mga anak.

Tanging si Jenny na lamang daw ang nag-aalaga sa kanyang mga kapatid lalo na sa kanilang bunso.

Ang tatay naman ni Jenny ay isinasama lang umano ng may-ari ng tindahan na kanilang inuutangan sa trabaho upang magkaroon kahit papaano ng kita.

Labis rin daw ang pasasalamat ng mag-iina sa may-ari ng tindahan dahil ka na matagal raw sila makapagbayad ay pinapautang pa rin sila nito.

Samantala, Nang tanungin naman ng Vlogger kung anong hiling ni Jenny ay sinabi nitong natis raw niya ng kotse para daw maipamasyal niya ang kanyang Pamilya.

Ngunit sinabi naman ng vlogger na hindi niya ito kaya at wala siyang pambiling kotse.

Kaya naman humiling ng iba si Jenny at kanyang hiniling sa vlogger ang limang sakong bigas para sa kanyang pamilya. Agad naman itong tinupad ng vlogger. Dahil dito labis ang pasasalamat ni Jenny at ng kanyang Ina sa biyayang ibinigay sa kanila.

Maraming netizens naman ang bumilib at humanga sa kabutihan na ginawa ng vlogger. Hiling ng marami na sana`y marami pang matulungan ang vlogger.