Ang isang magarbong kasalan ay pinapangarap ng karamihan ngunit hindi lahat ng nagmamahalan.

Hindi naman talaga importante na mayroon kang malaking venue, magandang mga kasuotan at bigating mga bisita dahil ang mahalaga ay ang basbas at seremonyang magbubuklod sa dalawang tao panghabang buhay.

Madaming netizens ang natuwa at humanga sa bagong kasal na ito na kung saan ang kanilang reception ay simple at walang kaarte arte.

Makikita ang mahabang lamesa na may nakapatong na tela na para sa mga bisita. Dito ay inayos ang mga plato, kubyertos, softdrinks, kanin at mga iba pang handa.

Sa venue ay makikita ang kanilang mga pangalan at larawan na ipinrint sa tarpapel at mga pink na lobo bilang disenyo.

Hindi man kagandahan ang kanilang naging ayos ngunit labis ang tuwa ng mag asawa na sa wakas ay nakapagpakasal na sila.

Makikitang umiiyak ang bride hindi dahil sa pagkadismaya kundi sa labis na kaligayahan.

Hindi din sila nagpahuli sa kanilang photoshoot na kinuhanan mismo sa lugar kung saan sila nakatira.

Hindi na nila kailangan dumayo pa sa ibang lugar dahil likas ang ganda ng tanawin dito.

Bakas sa kanilang mga mukha ang pagiging kuntento sa kung anong mayroon sila. Ang mahalaga ay ang tunay na pagmamahalan na kailanman ay mangingibabaw sa kahit na anumang sakuna.