Tampok sa ating kwento ngayon ang masayang pamumuhay sa bukid ng aktres na si Bea Alonzo kasama ang kanyang pamilya sa kanilang pagmamay-ari na Beati Firma.

Ating aalamin ang ilan sa mga updates at mga masasayang bonding moments ng aktres kasama ang kanyang Pamilya.

At dahil maraming oras ngayon ang aktres na si Bea Alonzo napapadalas ang kanyang pagbisita sa kanilang farm sa Zambales.

Dahil dito gumawa ng maraming bonding moments at masasayang experience ang aktres kasam ang kanyang Ina na si Mama Mary Anne o mas kilala bilang si Madam M.

Sa bagong video na inilabas ng aktres na mapapanood sa kanyang YT channel, Sinubukan ni Bea ang buhay probinsyana kung saan ang ilang trabaho na karaniwang ginagawa sa kanilang farm ay kanyang sinubukan, katulad ng pagtatanim at pagpapakain sa kanilang mga alagang hayop.

Ang nagsilbing guro o ‘trainor’ ng aktres ay ang kanya mismong Mama M. Unang itinuro kay Bea ay ang pagtatanim ng Calamansi.

“Ate gusto mo ba magtanim, gusto kita pagtanimin kasi para may ambag ka dito.”

Ayon kay Madam M, Ang pagtatanim ay sumisimbolo sa pagiging matiyaga at pasensyoso ng tao na dapat ay matutunan ng lahat sa kabila ng hirap ng buhay ngayon.

“Para malaman ng tao na hindi lahat madali sa buhay, talagang mahirap. Patience is a virtue. Alam nyo ang pagfa-farm patience, at kailangan lagi nasa damdamin mo”

Isa sa mga nagbibigay kasiyahan sa Ina ng Aktres ay ang pagtatanim na sa kabila ng kanyang kapansanan ay hindi ito naging hadlang para sa kanyang kasiyahan.

“Ako nga `yan ang ginagawa ko kahit PWD na ko – pero ngayon ganito naka-upo ako, habang ako`y utos lang ng utos ng gagawin kasi hindi ko na kaya. Pero ganunpaman, nakakapagpasaya parin siya sa sakin.”

Sa pagtatanim ni Bea ng mga Calamansi ay mapapansin na si Madam M ay strikto sa pagtuturo at sa kanyang ginagawa.

Ngunit kahit hindi man sanay ang aktres sa gawain na iyon ay kanya parin itong sinubukan gawin.

Ang sumunod naman na kanyang ginawa pagtapos ng magtatanim ay ang pagpapakain sa kanilang mga alagang baka.

Nung una ay natatakot pa ang aktres sa mga Baka, Ngunit kalaunan ay nasanay na rin ito sa tulong ng kanyang Ina.

Tinanong naman aktres kung okay ba sa kanya na tumira sa kanilang farm at hindi na muling pumunta ng maynila, Agad naman itong sinagot ng aktres,

“Ako oo – pwede naman kaya lang walang signal dito eh.”

Sa naging masayang experience na ito ni Bea ay nagbiro pa ang kanyang Ina na marami pa ang nakapilang gawain nito sa susunod nitong pagbisita sa kanilang farm.

“Pagbalik mo dito ang gagawin naman natin magha-harvest tayo ng mangga at magluluto ka. Maghaharvest tayo ng mangga, maghaharvest tayo ng tilapia, tuturuan kita.” -Wika ni Madam M

At iyan ang napakaganda at napakalaking Beati Firma Farm ng aktres na si Bea Alonzo at ng kanyang Pamilya,

Sa ngayon ay may mga pinapagawa pa ang kanilang pamilya na mga bagong bahay para tutuluyan ng kanilang mga staff.

At ang magagandang staff house na ito ay mismong landscape at ideya ni madam M.