Ang pagpapakasal ay hindi biro. Sabi nga nila, hindi ito parang mainit na kanin lang na iyong isusubo at at kapag napaso ay iyong kaagad na maluluwa.

Isa ang kasal sa simbulo ng habang buhay nap ag mamahalan. Dito, ang taong pangangakuan mo sa harap ng altar, saksi ng iyong pamilya at mga kaibigan ang siyang makakasama mo sa hirap at ginhawa

Ngunit may ilan din na sinusunod ang tradisyon ng iba noon. Iyon ay ang arrange marriage na kung saan mayroong espesipikong tao ang nakalaan sayo para ipakasal sa takdang panahon.

Madalas dahilan ay kapangyarihan, ari- arian, o may pinangangalagaan at iba pa. Bibihira ang ma- arrange marriage sa taong gusto mo talaga.

Ngunit ang madalas sa sitwasyon na ito ay sapilitan dahil na nga sa desisyon ng mga magulang

Nito lamang ng nag vira ang isang video ng bagong kasal na kung saan ang groom ay tila baý walang kapantay ang saya sa nagaganap na kasal sa kaniyang napangasawa samantala, ang bride naman ay umiiyak na parang nadidismaya sa kung ano ang sinapit niya at kinahantungan ng kaniyang buhay pag ibig.

Natural lang naman talagang maiyak ang bride gayun din ang groom ngunit kakaiba ang iyak ng bride na ito.

Kitang kita ang kalungkutan at sakit na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Maaaring ang lalaki ay mahal na mahal siya, ngunit ang babae ay hindi natin masabi kung ano talaga ang saloobin niya

Ayon sa nagpost na Facebook page na OFW TV, “Lesson: Huwag magpapakasal sa taong hindi mo naman mahal. Kailanman ay hindi ka magiging masaya…”

Makikita sa hitsura ng babae na hindi talaga siya masaya sa kaniyang kasal. Malamang ay wala na talagang ibang paraan kung hindi ang gawin ito pagkat ito ay idinikta ng kaniyang mga magulang.

Bilang isang anak, mas minabuti niya na lamang magsakripisyo para sa kaniyang resposnsibilidad