Ang pagpapakasal ay hindi isang desisyon na mabilis mong mababawi. Kinakailangan nito ng matinding preparasyon at madalas ay magastos.

Kaya naman kung nais magpakasal, siguraduhin na ang iyong makakabiyak ng dibdib ay ang nais mo talagang makapiling habang buhay.

Kay sarap sa pakiramdam na mayroon kang opisyal na katuwang sa hirap at sa ginhawa na may basbas galing sa itaas.

Ngunit paano na lamang kung sa isang iglap ay bigla na lang itong maglaho dahil sa mga padalos-dalos na desisyon at pagkakamali ng kahapon?

Labis na pighati ang naranasan ni Mary Grace Dollente, bride- to- be, na dumulog sa programa ni Idol Raffy na “Wanted sa Radyo” upang humingi ng tulong sa ginawa sa kaniya ng kaniyang nobyo na dapat ay pakakasalan niya.

Kwento niya, nakaayos na daw ang lahat mula sa simbahan, mga damit, venue at mga inimbitang bisita. Sa katunayan, nasukat na din niya ang kaniyang wedding gown.

Isang araw bago ang kanilang kasal ay bigla na lamang umurong ang kaniyang groom to be na si Lendo Romero.

Depensa ni Lendo, hindi daw niya maatim ang pag- uugali ni May Grace dahil sobra na ito sa pananakal at pagiging selosa.

Dito inilabas ni Mary Grace ang katotohanan na nambababae ang kaniyang nobyo noon pa man.

Sa katunayan, iniuuwi nito sa kanilang bahay ang babae kaya naman ganon na lamang ang kaniyang inaasal satuwing uuwi sa kanila ang kaniyang nobyo.

Dahil sa labis na sakit at bigat na nararamdaman ni Mary Grace, humantong siya sa sitwasyon na kung saan sinubukan niyang kitilin ang kaniyang sarili.

Ayon naman kay Atty. Garreth Tungol, maaari daw sampahan ng kaso ni Mary Grace si Lendo lalo na’t naapektuhan nito ang kaniyang metalidad at nagkaroon ng depresyon na humantong sa hindi magandang pangyayari.

Isa ito sa ibinigay na tulong ni Idol Raffy ay ang pagpapagamot at pagpapatingin sa espesyalista ni Mary Grace upang muling makabangon.