Isang dalagita ang hindi malaman ang nangyayari sa kanyang katawan dahil sa biglang pananakit nito at para bang binübutas at tinütüsok ang kanyang tiyan.

Ngunit, nang maisagawa sa kanyang ang ilang tests para matukoy kung ano ito, laking gulat ng mga doktor ng makitaan nila ito ng halos 50 na piraso ng karåyøm sa loob ng kanyang katawan.

Matapos malaman ito ng dalagita at ng pamilya nito ay inisip nila na kagagawan ito umano ng mangkukulam.

Ang babeng ito ay itago na lang natin sa pangalang Paloma, ay bigla na lang tinamaan ng matinding sakit. Habang ang kanya naman na ina na si Maria ay labis ang takot at pangamba sa nangyayari sa kanyang anak.

Hindi rin niya alam kung ano ang nangyayari sa kanyang anak at bigla nalang itong nanghina at nakaramdam ng kakaiba sa katawan nito.

At dahil nga sila ay natatakot na sa nangyayari kay Paloma ay napagdesisyunan nilang magpakonsulta sa doktor at matapos magawa ang ilang test kay paloma ay laking gulat nila ng madiskubre ang mga nasa loob ng katawan nito kung bakit sumåsakit.

Natakot at nagtataka ang naramdaman ng pamilya ni Paloma, Nagtataka sila kung bakit nakapasok ang mga karayøm sa loob ng katawan ni Paloma. Na kahit mismo siya ay hindi niya alam kung paano nangyari ito sa kanyang katawan.

Dahil sa hindi malaman ang gagawin ni Paloma at ng kanyang pamilya ay napagpasyahan nila na magpatingin sa isang magaling na manggagamot na kung tawagin ay si Indépéndanciana Vérgara isang uri ng “Babaylan”.

Ayon sa babaylan na si Vergara, Isa raw umano na manliligaw ang nasa likod ng pangkukulam sa dalaga.

Isang lalaking nahulog ang loob kay Paloma ngunit hindi gusto ng dalaga. Kaya naman napagpasyahan nalang na ito ay ipakulam.

Matapos makita ang x-ray ni Paloma, sinabi ng babaylan na isang mukha raw ng lalaki ang lumabas dito . Isa daw itong pruweba na ang nasa likod ng pangkukulam sa dalaga ay ang manliligaw nito.

Ngunit ang ikagugulat ng lahat ay matapos umamin si Paloma matapos kausapin ng masinsinan ng kanyang Pamilya.

Inamin ni Paloma na kinain niya raw ang mga karayom na nakita sa kanyang katawan. At dagdag pa nito na minsan nga ay kinakain niya ang mga karayom ng sabay sabay .

Talaga naman nakakatakot at nakakagulat ng mga pangyayaring ito. Sana`y maging maayos ang kalagayan ni Paloma at para naman sa mga kabataan ngayon nakakaranas ng discrîmînation o depréssion ay wag kayong mapanghinaan ng loob at palage niyo isipin na may pamilya na laging nagmamahal at nag-aalala sa inyo.