Marahil lahat sa atin ay naranasan na ang mawalan ng gamit o pera sa bahay, Yung tipong wala kang magawa o masisi dahil wala naman ibang taong pumapasok sa bahay.

Kung minsan nga ay napapaisip tayo na baka pinaglalaruan lamang tayo ng mga kakaibang nilalang.

Samantala, dahil sa isang pangyayari na naranasan ng isang netizen ay nagkaroon tayo ng impormasyon na maaari din manyari sa atin kapag may mga nawawala tayong pera o gamit sa ating tahanan.

Usap-usapan ang isang post ng netizen na may username na Sherryl Anlap Tayhopon, ito ay ang tungkol sa kanyang natuklasan na kakaiba kyng saan napupunta ang mga nawawala niyang pera sa bahay.

Lagi raw napapansin ni Sherryl na nawawalan siya ng pera sa kanilang bahay kahit pa sila-sila lang naman sa bahay at walang ibang tao.

Hanggang isang araw ay may nakita siyang daga at napagpasyahan niyang ito ay sundan.

Ngunit habang sinusundan niya ito ay biglang pumasok ang daga sa isang bahagi ng kanilang pader sa bahay hanggang sa hindi na niya ito makita.

Nang ilawan nila Sherryl ang pader na pinagdaanan ng daga ay nasurpresa siyanng makita ang ilang piraso ng pera. At nang kaniya itong kunin ay nalaman niya na ito pala ang hinahanap niyang pera na nababawas sa kanya.

Ngunit makikita rin sa mga larawan na ang ilang piraso ng pera ay may mga kagat na ng daga. Umaasa naman si sherryl na maaari pa niya itong ipalit sa bangko.