Kapag napag-usapan ang mga aso siyempre ang isa sa mga papasok sa ating isipan ay ang asong si Hachiko ng Japan.

Dahil ang asong si Hachiko ay nakilala sa buong mundo dahil sa istorya nitong na labis ang katapatan at pagmamahal sa kanyang amo kahit na ito ay yumaø dahil sa sakit.

Si Hachiko ay halos sampung taon na bumabalik-balik sa istasyon ng isang tren at umaasa na makikita niya dito ang kanyang amo na yumaø.

Samantala, Dito sa atin sa Pilipinas ay may isang aso na maihahambing sa kwento ng asong si Hachiko.

Ayon kay Emma Teoxon at sa kanyang partner, Sila mismo ang nakasaksi sa isang aso kung paano naghintay ito sa labas ng Valenzuela General Hospital, Valenzuela City.

Matagal daw nila itong pinagmasdan at nakaupo lang daw ang aso at tila nakatingin sa labas ng ospital at parang may hinihintay.

Nilapitan umano ng magpartner ni Emma ang asong ito at nagulat sial na maamo pala si doggy. Ito ay lumapit din sa kanila at pumapayag ang aso na hawakan ito at kumakawag ang buntot na simbolo na ito ay nagugustuhan ng aso.

Maya-maya lamang ay may isang høspital staff na lumapit sa mag partner at napag-alaman na ang staff na ito ay kapitbahay ng may-ari ng aso at ipinaliwanag nito ang kwento ni doggy.

Ayon sa kwento, Limang araw na ang nakakalipas ng kinuha ng ambulansya ang amo ni doggy dahil ito ay inatake sa puso.

Sumunod si doggy sa sasakyan at sa awa ng drayber dahil nakita nitong hingal na hingal ang aso kakahabol ay pinasakay niya na rin ito sa ambulansya.

Ngunit pagdating sa øspital ay hindi ito pinapasok, Sa kasamaang palad ay hindi nakaligtas ang amo ni doggy. Simula noon ay hindi na umaalis si doggy sa labas ng øspital at umaasa na babalik at lalabas pa dito ang kanyang amo makikita rin sa mukha ni doggy ang lungkot at pangungulila.

Halos lahat sa paligid ng øspital ay kilala na rin si doggy. May isa ngang fish vendor ang nagsabi na nawala daw si doggy ng isang araw akala nga nito ay kinuha na ng kamag-anak ng amo nito ngunit matapos lang ang isang araw ay bumalik raw ito ulit sa harapan ng øspital.

Marami naman ang nagmamalasakit sa aso kaya naman binibigyan ito ng pagkain at ng tubig ng mga taong dumadaan at malapit dito.

Nagpahayag din si Emman na siya na ang magpapakain riot at magbibigay ng masisilungan. Ngunit umaasa rin siya na makuha ulit si doggy ng mga kamag-anak ng amo nito o kaya ay ampunin ng mga taong may mabubuting puso sa aso.

Tunay na maihahambing ang asong si doggy kay Hachiko ng Japan. Wala makakatumbas sa memorya at pagmamahal ng aso sa namaalam nilang mga amo.

Sana`y makatagposi doggy ng bagong amo na tulad ng kanyang amo ay mamahilin siya ng lubos.

Narito ang video na kuha ni Emman: