Sino nga naman baa ng hindi mabibilib sa isang 12 taong gulang na batang ito na makakapag tapos ng sekondarya o highschool at kolehiyo sa magkaparehong buwan ngayong 2021.

Kilalanin ang nakamamanghang batang si Mike Wimmer mula sa North California. Bunga ng kaniyang sipag at tyaga sa pag- aaral.

Sa wakas, siya ay nakatakdang makapagtapos ng sekondarya bilang valedictorian sa darating na May 28, 2021 sa Concord Academy High Scool at kolehiya sa darating na May 21, 2021 sa Rowan- Cabarrus Community College.

Sinamantala niya ang pandemya upang makuha ang oportunidad na mapagsabay ang pag aaral sa high school at makakuha ng associate degree sa kolehiyo sa loob ng isang taon.

Ayon sa kaniya, wala daw ito sa kaniyang plano ngunit natuklasan niyang maaari siyang kumuha ng dual enrollment upang mas mabilis siyang makapagtapos.

Kumuha siya ng iilang klase para sa kaniyang associate’s degree sa kaniyang pagtatapos ng sekondarya. Sa katunayan, ibinahagi niya din na ang kaniyang GPA sa highschool ay 5.45 at 4.0 naman sa kolehiyo.

Bagaman siya ang pinakabata sa klase, marunong pa din siyang makihalubilo sa kaniyang mga kaklase. Siya ay naitalagang Homecoming Court noong nakaraang taon at binansagang “math and science guy” dahil sa hilig niya sa robotics.

Isang taon at mahigit pa lamang si Wimmer nang magkaroon siya ng iPad at noon din ay binusisi niya na ito kung paano ito gamitin.

Pahayag ng Next Era Innovations, natutunan na ni Wimmer ang lahat patungkol sa programming at robotic knowledge dahil sa kaniyang pag trial and error at tulong na din ng online videos.

Pagkatapos matuto ay nakapag gawa na siya ng kaniyang sariling start up na tinawag niyang Reflect Social.

Ito daw ay kombinasyon ng popular social media platforms with Internet of Things (IoT) devices na naglalayon na mas mapadali ang paggamit ng teknolohiya ng bawat isa.

Tunay ngang proud na proud ang mga magulang ni Mike sa kaniya. Ayon sa kaniyang ina, siya daw ay isang batang gagawa at gagawa ng paraan upang matuloy ang kaniyang plano at matupad ang kaniyang mga pangarap.

Kaliwa’t kanan ang mga nakahaing oportunidad kay Wimmer matapos pumutok ng balita sa kaniyang tagumpay.

Gayun pa man, nilinaw niya na siya ay isa pa ding normal na bata na nais maglaro ng basketball at bumuo ng lego kagaya ng iba.