Isang post mula sa isang concerned netizen na si Marillo Nalliasca ang usap-usap ngayon sa social media, ito ay tungkol sa agaw pansin na mag-ina sa labas malapit sa BDO Imus branch.

Madalas daa makita ng mga dumaraan dito ang gumagapang na sanggol sa kalsada, wala itong suot na diåper o kahit short man lang.

Mapapansin din sa sanggol ang mga rashes nito sa pwértå, habang ang Ina ng bata ay mahihinuhang nasa murang edad pa lamang at halatang balisa ito.

Ayon kay Marillo, habang pinagmamasdan niya ang mag-ina ay may isang samaritan ang nagmabuting loob na nagbigay rito ng isang latang gatas at isang bagong bote para sa kawawang sanggøl.

Makikita sa kilos ng batang Ina na hindi niya alam kung paano ito timplahin, kaya naman dahil diyan ay hindi na nakapag pigil ang concerned citizen na si Marillo.

Ito ay kanyang nilapitan at tinuruan kung paano ang tamang pagtitimpla ng gatas sa bote.

Hindi naman naka-imik pa ang batang Ina at bakas din sa mga mukha nito ang kasiyahan mula sa natanggap nitong gatas at bote para sa kanyang anak.

Nang tanungin naman siya ni Marillo kung saan siya nakatira, ito ang kanyang isinagot,
“WALA PO KAMING BAHAY”

Nagulat naman si Marillo ng sabihin ito ng Babae sa kanya,
“LUMAYAS PO AKO SA AMIN KASI PO ANG STEPFATHER KO ANG TATAY NG ANAK KO.”

Hindi mapigilan ni Marillo na maawa sa Babae dahil sa sinapit nito hindi rin alam ni Marillo kung papaano niya matutulungan ang kawawang mag-ina.

Para kay Marillo, bilang isang Ina rin siya ay nais niyang makatulong sa kahit anong paraan dahil sa sobrang naawa siya ng malaman niya ang istorya ng kalagayan ng kawawang mag-ina.

Buti na nga lang daw ay mayroong malapit na ukay-ukay kung san naroon ang mag-ina, Aniya ni Marillo
“Bumili ako ng blouse at jacket para sa nanay at tatlong jacket at short na mahaba pra kay baby.”

Samantala, nang bumalik si Marillo kung nasaan ang mag-ina ay laking gulat niya na wala na ang dalawa rito na naglaho parang bula.

“Pagbalik ko wala na sila pinagtanong ko sila buti may nakapagturo.Inabot ko sa kanila un munting tulong ko sabi ko bihisan un bata at magbihis din sya. Sabi ko sa kanya mag iingat sa kalsada.”

Dagdag pa ni Marillo, sinabihan niya rin ang Ina ng bata na sasamahan niya ito sa kinauukulan para humingi ng tulong at suporta ngunit wala daw itong naging tugon.

Hindi naman maalis sa isipan ni Marillo ang mag-ina kaya naman ipinagdadasal niya na ito ay nasa ligtas at maayos na kalagayan.

Ayon naman kay Marillo ng hindi niya ito naabutan muli, siguro daw ay naglibot muli ang mag-ina upang manghingi ng limos kaya naman mas miinabuti ni Marillo na iwanan na lamang sa tabi ng gamit nito ang mga tinapay na sanay ibibigay niya mismo sa mag-ina.

Pahabol naman ni Marillo ay ang panawagan sa pamahalaan ng Imus, Cavite na magbigyan pansin ang hirap na kalagayan tulad raa ng nararanasan ng batang mag-ina.

“Sana Marescue sila agad at matulungan😢”
#dswd
#raffytulfoinaction
#raffytulfoinactionfacebookpage

Posted by: Marillo…

Posted by BastaViral on Wednesday, January 20, 2021