Ang pera ay mahalaga sa pang- araw araw nating buhay ngunit madalas ay nagagastos natin ito sa mga hindi naman kailangangang bagay kagaya ng luho o nauuso.

Sa kabilang banda, marami ang naghahangad ng magkaroon ng maraming pera kaya naman mas pinipili nilang magtiis at magtipid upang makapag ipon.

Pinamangha ng pamilya ni Abby Sarmiento Mendoza ang mga netizens nang ibahagi nila ang kanilang tagumpay sa Ipon Challenge matapos mapuno ang dalawang kama ng limpak limpak na pera!

Isang taon at ilang mga buwan ang kanilang iginugol upang maipon ang ganito kalaking halaga ng pera. Makikitang sakop ng perang papel ang isang kama at nakalubog naman ang mga barya sa isa pa.

Sila ay gumamit ng isang babasagin na salamin na ginagamit na drop box ng raffle tickets sa mall upang hulugan ng mga pera.

Nang nagdesisyon silang buksan na ang kanilang malaking alikansya, maski sila ay nagulat sa kabuuang halaga. Napuno nila ang dalawang kama na tila kay sarap higaan.

Ibinahagi nila ito hindi para magyabang kundi para maka enganyo sa mga netizens na posibleng maka- ipon ng ganito kalaking pera sa pamamagitan ng disiplina sa sarili at pagtitipid.

Maaari din itong magamit sa mga emergency .

Mahirap man ngunit magiging mabunga din ito pagdating ng panahon.