Isang nakakalungkot na pangyayari ang natunghayan mismo ng isang rider na nag aantay ng kanyang booking sa daan.

Mayroon isang matandang babae na nahihirapan sa paglalakad ang lumapit sa kanya at nanghingi ng pera para may ipambili daw ng pagkain at kanyang ma-almusal.

Matapos makita ito ng isang rider ang kalagayan ng isang matanda ay hindi naman nag alin-langan pa ang rider at ibinili niya ito ng isang lata ng biscuit.

Dahil sa hindi niya maintindihan ng maayos ang sinasabi at hinihingi ng matanda ay dinagdagan nalamang ng rider ng pera ang kanyang ibinigay dito.

Kwento naman ni Lola sa mabuting Rider, ang kanyang asawa eaw at matagal ng påtåy.

Mag-isa na lamang daw siya sa bahay ngayon dahil hindi narin daw siya iniintindi ng kanyang mga anak.

Sadyang nakakaawa ang kalagayan ni Lola, Kung minsan daw ay hindi na siya kumakain at ang kanyang gutom ay idinadaan na lamang niya sa pag kanta para mapawi ang kumakalam niyang sikmura.

Saludo naman ang mga Netizen sa Rider na tumulong kay Lola, nakilala ang rider na isa rin palang rider vlogger na si Denso Tambyahero na kilalang tumutulong sa mga taong labis na nangangailangan tulad ni Lola.

Mabuhay ka Sir Denso !

Narito sa baba ang kabuuang kwento ni Lola.