Habang tumatagal ay tila parami ng parami ang pamilya dito sa ating bansa ang lubos na naghihirap, Lalo na ngayong panahon kung saan humaharap tayo sa pandemiya na lalong nagpapahirap sa mga tao.

Ang nakakalungkot pa rito, sa kabila ng kumakalat na sakit na CO’VID-19 ay napakarami parin mga Pilipino ang nakatira sa mga lansangan.

May bata, matanda may mga sakit o kapansanan ay may makikita ka sa lansangan na lamang natutulog dahil sa kahirapan ng buhay.

Dahil hindi lahat ay swerte at ipinanganak na sagana sa buhay. Naisin man natin tumulong ngunit hindi natin alam kung paanong paraan.

Samantala, para sa 27 taong gulang na hairstylist na ito na tampok sa ating kwento. Kung ano ang ibinigay sa kanyang talento ng Panginoon ay ito ang mismong ginagamit niya ulang makatulong sa ibang tao.

Ang misyon kasi ng lalaking ito ay ang makapagbigay ng libreng gupit para sa mga kapwa niya Pilipinong nasa lansangan at walang pera para ipambayad upang makapagpagupit.

Hindi inalintana ng hairstylist na ito ang panganib na dulot ng pandemya matungan lang ang nga taong nangangailangan nang magupitan.

Siya ay si Marko Bustarde tubong Caloocan at kapag siya ay may libreng oras ay sinusuyod niya ang Quezon City at iba pang lugar upang makatulong sa mga taong ito.

Kahanganga talaga ang kanyang kabaitan bukod dito bibilib ka rin sa kanyang talento dahil ang mga gupit niya ay napakaganda at napakagaling

Si Marko ay isang propesyonal na Hairstylist, ayon sa kaniya Disyembre 2020 pa ng simulan niya ang kanyang proyektong libreng gupit.

Marami na rin ang mga nagupitan ni Mark, siya ay isa rin on-call hairstylist sa ngayon ay abala si Mark sa kanyang mag-ina at lalo na ngayon na nagdadalang tao ang kanyang asawa.

Plano naman ni Mark na sisikapin niya na makapaggupit ng 3 hanggang 5 katao kada linggo.

Noong nakaraang Enero nga lang ay magroong nagupitan si Mark sa may labas ng isang Mall sa Fairview na isang binatilyo at dito nagsimula kumalat ang mga larawan ni Mark na naggugupit ng libre.

Bukod sa libreng gupit ay nagabot din si Mark sa binatilyo ng maliit na halaga ulang ipambili ng pagkain ng binatilyo.

Nanawagan naman si Mark sa katulad niyang mga Hairstylist na magbigay rin ng libren gupit sa mga taong walang kakayahang magbayad.

O diba kahit sa ganitong paraan ay nagagawa parin ni Mark tumulong saludo kami sayo! Mabuhay ka!