Marami sa atin ang nangangarap na makaahon sa hirap kaya ang ilan ay umaasang swertehin sa pagtaya sa løtto.

Kapag naman ikaw ay pinalad at manalo ay limpak limpak na salapi ang maaari mong mapanalunan dito.

Ngunit kung ikaw nga ay palarin sa manalo ng limpak limpak na salapi sa isang laro tulad ng løtto ay hindi maiiwasan na ikaw ay dumugin ng sangkatutak mong kakilala at kamag-anak upang humingi ng balato, na nagiging dahilan kung bakit ang iyong napanalunan ay maaaring maubos agad.

Bukod sa paghingi ng balato ang iba ay umaabuso at nanghihiram o nangungutang ng malaking pera.

Kung kaya ang iba ay nagagawang itago ang pera na kanilang napanalunan, ito ay hindi sa pagiging madamot bagkus ginagawa lang ito para sa pag-iingat at hindi maabuso.

Katulad na lamang ng isang lalaki mula sa Jamaica na nanalo ng 158 Million Jamaica Dollars o katumbas sa ating pera na 53 Milyong piso.

Kung saan ay nakaisip siya ng magandang paraan upang ang kanyang napanalunan ay hindi agad maubos at hindi siya makilala.

Ayon sa mga lumabas na balita sa Jamaica, HIndi agad kinuha ng nasabing lalaki ang kanyang premyong napanalunan. Bagkus pinalipas niya ito ng halos 54 na araw bago kuhanin.

Ito ay ginawa niya upang hindi siya agad makilala at hindi malaman ng kanyang mga kamag-anak o kaibigan na siya ang nanalo ng napakalaking halaga.

Nagsuot lang naman ang lucky lotto winner ito na mula Jamaica ng puting tela na may ‘scream’ na maskara sa kanyang mukha nang siya ay magtungo sa ahensya kung saan niya kukuhanin ang perang napanalunan.

Hindi rin inilabas sa publiko ang tunay na pangalan ng taong ito, Siya ay nakilala lamang bilang si A. Campbell.

Ito ay ginawa upang pag-iingat na rin sa kaligtasan niya dahil sa malaking halaga na kanyang napanalunan.

Ayon naman kay A.Campbell ginawa niya ito dahil siya ay may malaking rason. Ito ay dahil sa ayaw niyang ipamahagi ang kanyang napanalunan sa mga sakim niyang kamag-anak.

“Normally, I would write down the numbers from the draw, eat and then go and check my numbers.”
“I Looked at my ticket and ran into my bathroom and said – I won! I won!”

“I want to het a nice house. I haven`t found it yet, but I`ll looking for one soon. I like to handle money. I don`t beg, I don`t borrow.”
“So I`m looking things that can turn over the money. I have a little business, so I plan to make it bigger, buy an apartment. Ilove to have money.”

At iyan ang naging pahayag mismo ng msiteryong tao na ito nananalo ng napakalaking halaga sa løtto mula Jamaica.

Nais niyang ilaan ang kanyang napanalunan sa pagpapalaki ng kanyang negosyo at makapagpatayo ng apartment na magbibigay sa kanya ng karagdagang kita.