Ibinahagi ng isang netizen na ngayon ay isa nang succesful business man ang kanyang nakaka-inspire na kwento.

Isang totoong kwento ng taong nagtagumpay sa kabila ng kahirapan na hinarap at sanay gayahin ng ating mga kabataan ngayon.

Kanya rin ibinahagi ang mga pagpupursige, pagsisikap at pagsasakripisyo niya sa kanyang pinagdaan bago niya makamit ang mga pangarap sa buhay.

Ayon sa binahaging kwento ni Mr. Ton Reario sa Facebook page na Home Buddies na kanyang kinabibilangan.

Hindi raw naging madali ang pinagdaanan ng Binata bago niya makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Kahit pa raw siya ay nakapagtapos ay hindi rin naging sapat ito para siya ay umunlad at ang kanyang pamilya.

Aminado naman si Ton na siya ay laki sa hirap, Kaya sinikap niyang makapagtapos ng pag-aaral. Pinag-aral niya ang kanyang sarili at nagtapos sa isang kilalang unibersidad sa pamamagitan ng sariling pagsisikap.

Ngunit hindi rin ito naging sapat kahit na siya ay nakapagtapos, ang kanyang kinikita ay madalas kapusin sa mga gastusin nila sa pang-araw araw.

Kaya naman si Ton ay nagdoble sipag para mabigyan ng maayos na pamumuhay ang kanyang pamilya.

Kaya naman dahil sa hirap ng buhay, Nagawa ni Ton kumuha ng anim na trabaho kada araw at nakaya niya itong pagsabay-sabayin.

“I even worked ng sabay sabay for more than 6 companies all at the same time, (1. researcher 2. korean teacher 3. callcenter 4. events planner 5. emcee) while doing business on the side from 10am to 1AM just to fulfill my dreams.” – Aniya ni Ton.

Bukod sa kanyang sipag at tiyaga, Hindi siya nakalimot tumawag ng tulong at gabay sa Panginoon.

Kaya naman lahat ng sakripisyo na ito ni Ton ay nasuklian ng kaginhawaan at siya ay nagtagumpay sa kanyang pangarap at adhikain sa buhay.

Makalipas lamang ang pitong taon, Mabilis niyang narating ang kanyang pangarap at nakamit ang lahat na kanyang pinagpaguran at natikman ang bunga nito.

Kaya kung dati ay sa Batasan hills lang sila nakatira, Ngayon ay taga-Fairview na!

“7 years after, hindi man ito Mansion. Pero malaki pa rin pasasalamat ko sa taas sa binigay nyang pagkakataon na magbago ang buhay ng aking pamilya.”

Sa ngayon kahit si Ton ay maysarili nang bahay at lupat at mga ari-arian, patuloy pa rin siya nagsusumikap upang mabigyan ang kanyang pamilya na magandang buhay at makatulong sa mga kamag-anak.

Dagdag pa ni Ton, nawa`y ang kanyang pinagdaanan ay maging inspirasyon sa lahat ng kabataan ngayon na lahat ng pangarap ay kayang abutin sa maayos at patas na paraan.

Hindi na rin ako natakot sumubok ng opportunity outside of my comfort zone dahil naisip ko walang wala din nmn ako so anu pa ba ang mawawala. Ang payo ko lang , kung may pangarap ka tuparin at maniwala ka na makukuha mo rin ito. Laban lang kasi there is no overnight success.” pahayag ni Ton

Bago tapusin ni Ton ang kanyang kwento, nagbigay siya ng inspiring words sa mga netizens.

“In this time of of trial, There is no elevator to success, you have to take the stairs, be willing to roll up your sleeves, and take action.

Sometimes dumarating ang opportunities in our least expected way, God’s plan is way better than our plans. You may have a setback, but it is your opportunity for a comeback to learn new skills and unlock your potential.

Lastly, when you are about to quit, always remember your deep why. Mahirap maging mahirap, mahirap din magpayaman, Choose your hardnesss.”

Source: Facebook , KAMI