Sino nga ba naman sa atin ang ayaw yumaman? Siyempre ang lahat sa atin ay nangangarap na magkaroon ng maunlad na buhay at umaasang may dumating na swerte sa atin na magbibigay ng solusyon sa ating mga problema.

Marami nga sa atin lalo na sa mga kababayan natin na nasa laylayan ng lipunan, Ang nagbabakasaling manalo sa lotto, o kaya naman ay manalo ng milyon-milyon sa mga patimpalak.

Ngunit ang lahat ng iyan ay parang isang suntok sa buwan na maliit na maliit ang pag-asa na mangyari.

Samantala, Isang nakakapanghinayang at nakakalungkot na istorya ang aming ibabahagi sa inyo ngayon.

Kung saan ang Matandang binata na si Lolo Dado ay nagkaroon ng pagkakataon na makaahon sa hirap ngunit aksidenteng napurnada dahil sa isang pagkakamali.

Photo for illustration purposes only

Si Lolo Dado ay matagal ng nagtatrabaho bilang isang construction worker, Nakasanay na ni Lolo ang mag uwi ng kung ano anong nahuhukay niya sa construction site upang maging dagdag gamit sa kaniyang bahay.

Bukod sa mga gamit ay sinisigurado rin ni Lolo Dado na makapag-uwi ng iilang mga kahoy sa site upang magamit niyang panggatong sa pagluluto sa bahay.

Isang araw, Habang si Lolo Dado ay nasa bahay na galing sa trabaho nagsimula na siyang maghanap ng mga kahoy naipanggagatong niya sa kanyang pagluluto.

Subalit imbis na siya ay kumuha ng mga kahoy na nakatambak na sa kanila ay naisipan niyang maghanap sa mga bago niyang uwi na mga basura galing sa construction site.

At doon ay nakakuha siya ng isang balde ng uling, na lubos naman ang tuwa ni Lolo ng makita niya ito.

Natuwa si Lolo Dado dahil sa pag-aakala na hindi na siya mahihirapan pang magpalingas dahil madaling gamitin ang uling bilang panggatong.

Kaya naman dali-dali si Lolo Dado na ito ay gamitin, Ngunit laking pagtataka ni Lolo na imbos na mag-apoy ay tila natutunaw ang mga uling sa apoy.

Photo for illustration purposes only

Maya`y-maya ay pinagmamasdan ni Lolo Dado ang kaniyang panggatong at laking gulat nito ay isa pala itong ginto.

Subalit ang lahat ay huli na Dahil nang mapansin ito ni Lolo Dado dahil bukod sa ito ay tunaw na nagkalat na rin ang ginto sa sahig at sa mismong gatungan nito.

Kung kaya naman wala nang nagawa pa si Lolo Dado kundi ang manlumo at magsisi sa kanyang pagkakamali.

Source: The Filipino Today