Kung ating babalikan, ang mga ganitong petsa ay panahon ng pamamahinga at pagliliwaliw kasama ang pamilya.

Nagbabakasyon sa ibang lugar o kahit sa ibang bansa. Madalas din ay nag suswimming dahil humahataw nanaman ang tindi ng sikat ng araw.

Ngunit dala ng pandemyang ito, nalimitahan ang bawat tao sa paglabas ng kanilang mga tahanan dahil sa panganib na maaaring makuha sa mga makasasalamuha.

Samantala ang pamilyang ito ay naging inspirasyon sag a netizens nang ibahagi ni Raj Bay, isang digital marketer sa isang event production company, ang mga larawan ng kanilang rooftop na dating sampayan lamang na ginawa na nilang mala mini private pool.

Ayon sa kaniya, ang pamilya kasi nila ay madalas nag iibang bansa at out of town upang makapagpahinga at mag unwind ang kanilang pamilya.

Dahil mahigpit ang mga kalakaran sa mga bakasyunan, naisipan nilang gawing inspirasyon ang kanilang paboritong puntahang Oasis Bali na kung saan ipinagawa nila ito sa kanilang rooftop na gumugol ng 30 araw lamang.

Ang kanilang rooftop ay may sukat na 40 sqm. Talaga namang swak sa budget dahil gumastos sila ng humigit kumulang P50,000.

Saktong sakto sa darating na kaarawan ng kaniyang ina at sa panahon ng tag- init. Makikita sa mga larawan ang ganda ng mga disenyo sa paligid.

Mayroon itong mga gazebos, unan sa sahig at laking tipid din nila sa pool dahil ito ay non inflatable kiddie pool lamang na nilagyan ng kahoy na decking sa paligid upang maging kapitan.

Mayroon ding filter ang pool kung papalitan na ang tubig at PVC mula sa tangke na nakakonekta papuntang pool upang aguhsan ng tubig.

Ang limang taong tent na hindi nila ginamit ay kanila ding itinayo doon upang magsilbing silungan. Ang mga unan naman ay inorder lamang sa online na binalutan ng mga boho theme na tela.

Pinanik din ang mga halaman ng kaniyang ina upang magdagdag palamuti sa kanilang rooftop pool.

Sapat na ang 15 taon na naging sampayan ang kanilang rooftop. Panahon na upang maging pahingahan at tambayan ito.

Payo ni Raj, kung nagbabalak tayong magpagawa ng ating bahay o pagandahin ito, siguraduhin natin na tayo ay makakatipid ngunit kalidad ang resulta.

Hanggat maaari ay gamitin ang mga gamit na luma ngunit kapaki- pakinabang pa din.