Ang pagkawala ng mahal natin sa buhay ay hindi mapapantayang sakit ngunit sa kabila ng masasakit na pangyayari, mananatili pa din silang buhay sa ating mga puso.

Samantala, isang misteryo ang nahukay mula sa puntod ng kambal na sanggol sa Pampanga ang 14 na taon nang nakalîbing ngunit hindi pa din naaågnas.

Ibinahagi ng mag- asawang Mylene at Rodel Luzano ang kanilang nasaksihan noong nagdesisyon silang hukayin at ilipat ng nitso ang kanilang namayapang kambal na anak.

Ayon sa kanila, bagaman ganoon na katagal nawala sa akanila ang kambal, tila ba’y nararamdaman pa din nila ang mga ito.

Madalas daw ay nagpapakita ito kay Mylene sa kaniyang panaginip na para bang nasa tabi niya lang ito sa kaniyang paggising.

Mapapanood sa nakuhanang video ang kambal na tila buhay na buhay pa din at para lamang natutulog. Makikitang parang manika lamang na may buhok at parehong nakadilat ang mga mata.

Pahayag ng kanilang lola na si Josefina Luzano, labis din ang kaniyang gulat nang makita ang kaniyang mga apo na buong buo pa.

Saad niya, baka mayroon daw ipinapahiwatig ang kambal ngunit hindi na niya natagalang tingnan ang mga ito.

Saad naman ng tyahin na si Leticia Sanchez, ganoong ganoon pa din daw ang hitsura ng kambal simula nung huli niya itong nakita. Matangos pa din daw ang mga ilong ng dalawa.

Premature nang ipinanganak ang kambal na sina Rodel at Rodel Jr. noong November 2007. Ang nagpaanak kay Mylene ay mismo ang kaniyang byanan noong siya ay 7 buwan pa lamang na buntis.

Agad naman nilang isinugod ang mga ito sa pinakamalapit ng ospital ngunit binawian din ng buhay.

Masakit para sa mag- asawa ang sinapit ng kanilang unang dalawang anak. Hiniling ni Mylene na sana siya na lamang daw ang binawian ng bühay imbis na ang kambal dahil para sa kaniya,

Ang 7 buwang pagdadalawang tao ay ang kaniyang tiniis kahit na siya ay sabik na sabik na sa paglabas ng kaniyang mga anak.

Paliwanag naman ng President ng Professional Embalmer’s Association of the Philippines Inc. na si James Patrick Ovejera, posible daw ang mga ganitong pagkakataon dahil sa thin layer ng balat ng mga sanggøl na tinatawag na “Vérnix Caseøsa” na posibleng dahilan ng preservation ng mga ito.

Dagdag pa nito, hindi pa naman daw kumakain ang mga sanggol kaya ang mga organs nito sa katawan ay hindi pa din nag mamature.

Isa pa, makikitang may nakabalot na puting tela sa ibabaw ng katawan ng mga sanggol kaya’t hindi din masisigurado kung buo pa ba ang katawan ng mga ito.

Posible din daw na ang nag asikaso sa mga bata ay mayroong ginamit na substance para mapigilan o matagalan ang pagkakaågnas nito.

Gayun pa man, ang kambal daw ang pinaniniwalaang gumagabay sa kanilang pamilya. Ano man daw ang hilingin o ipanalangin ng kanilang pamilya sa kanilang puntod ay natutupad.