Ilan sa mga kilalang katangian ng mga Pilipino ay ang pagiging masayahin, høspitable sa mga dayuhan at siyempre ang pinaka-mahalaga ay ang pagiging family Oriented.

Kahit hanggang sa ka-apo-apohan pa sa tuhod ay nananatili parin sila sa i-isang bubong at namumuha ng masaya at marami.

Subalit habang tumatagal at lumilipas ang panahon habang umuunlad at umuusbong ang teknolohiya at siyensiya ay kasabay nito na nawawala ang magagandang kaugalian ng ibang Pinoy.

Araw-araw natin naririnig sa mga balita ang patungkol sa mga inabandonang matatandang magulang na pinababayaan na lang ng sarili nitong kapamilya at kung saan-saan nalamang naninirahan.

Katulad ng isang post na ito ng concerned citizen na si Araman Lat, nakita daw niya ang isang matanda na nasa kalsada ng Balibago Sta. Rosa.

Ayon sa kanya si Tatay ay may iniindang sakit at nangangailangan ng tulong.

Ayon kay Tatay, siya daw ay taga Batangas ngunit napadpad siya sa Laguna matapos siyang palayasin ng kanyang mga anak.

Makikita rin sa mga larawan na si Tatay ay umiiyak dahil sa kanyang kalagayan, hindi raw niya alam kung saan siya pupunta lalo na ngayon na may iniinda siyang sakit.

Narito sa baba ang kabuuang post ni Arman Lat sa kanya mismong Facebook Account,

“Baka po may nkka kilala kay taytay.sya po ai tga batangas.sya daw po ai pinalayas ng kanyang anak.sya po ai may skit ngyon andto po sya sa Balibago sta rosa laguna. Pa share nlng po”

Hiling naman ng mga Netizen na sana’y matulungan si Tatay na mapagamot at magkaroon ng maayos na matutuluyan.