Karaniwan sa mga artista ay inaalagaan talaga ang kanilang pigura, pustura at hitsura.

Mayroon silang kaniya kaniyang trainer sa gym o hindi kaya man ay mga døktør upang pangalagaan ang kanilang balat.

Ngunit, ang mga artista ay tao din kaya hindi maiiwasan ang pagtanda o pagbabago ng kanilang katawan.

Samantala, ang kilalang kilalang Megastar na si Sharon Cuneta ay hindi nagpatinag at ginulat ang netizens sa kaniyang mga slimmer figure pictures na kung saan kapansin pansin ang pagbabago sa kaniyang katawan.

Noon pa man talaga ay maganda na ang hubog ng kaniyang katawan ngunit sa paglipas ng panahon ay unti- unti itong lumaki kaya’t hindi maiiwasan na siya ay mabatikos ng iba.

Kaya naman muling ibinalik ni Ate Shawie ang kaniyang alindog sa pamamagitan ng pag-di-diét.

Nagsimula daw siyang mag diet noong January 2016 pa ngunit hindi iyon nagtuloy tuloy kaya hindi din naging mabilis at madali ang proseso.

Ngunit hindi sumuko si Ate Shawie at nagpatuloy pa din kahit paunti- unti. Nang maachieve na niya ang kaniyang ideal wéight ay talaga namang napakasaya niya.

Matinding hirap din ang kaniyang naranasan sa pagbabawas ng timbang. Mahaba ang kaniyang nilakbay para maibalik ang kumpyansa sa kaniyang sarili.

Naghanap din siya ng iba’t ibang motibasyon upang makatulong sa kaniya sa pagpapatuloy.

Ngayon ay masaya siya sa naging resulta ng kaniyang paghihirap. Mas lalo siyang nagiging excited sa pagtatrabaho dahil alam niyang mas confident na siya ngayon.