Karamihan sa mga lalaki ay mahilig uminom ng alak, lalo na yung mga galing sa trabaho ito ang paraan nila para mapawi ang kanilang pagod.

Kaya ang iba bago umuwi sa kanilang mga tahanan kung minsan ay napapainom pa kasama ang kanilang mga barkada.

Subalit palaging tandaan na kapag kayo ay mag-iinom dapat ay yung tama lang at siguraduhin niyong makakauwi kayo ng ligtas sainyong mahal sa buhay.

Dahil kung minsan kasi dahil sa sobrang kalåsingan ang ibang mga mister ay sinusundo ng kanilang misis dahil hindi na kayang umuwi bunga ng sobrang kalåsingan.’

Samantala, isang kwento sa so social media ang pinag-usapan ng mga netizen na maihahalintulad natin sa ating pinag-uusapan ngayon.

Makikita sa mga larawan ang ginawa ng isang Misis sa kanya Mister, ito ay kanyang itinali sa kanilang motorsiklo na parang isang bagahe dahil sa sobrang kalåsingan.

Nagawa raw niya ito sa kanyang Mister dahil nakita niya ito na låsing na låsing at hindi na kaya pang makauwi.

Makikita rin sa larawan na ang puwesto ng pagkakatali sa Mister ay pahiga na tila ba natutulog lamang ito.

Ginawa ito ng Misis na mula sa bansang Vietnam, ito lang daw ang naisip niyang paraan para maiuwi ang kanyang Mister na låsing na låsing at hindi na kayang umangkas.

Dahil sa pagkaka-viral naman bg mga larawan na ito ay maraming kababaihan ang nagkomento na maganda nga raw ang ideya na ito at pwedeng nilang gayahin kapag ang kani-kanilang mister ay malåsing.

May mga Mister din na nagkomento, Ang ginawa daw na ito ng isang Misis ay delikado para sa kanilang mga Lalaki, maaari daw kasing mahulog sila sa motorsiklo at mabalian ng buto.

Para naman sa lahat, nawa’y maging paalala na ito para sa mga mahilig uminom ng alak, Uminom lamang ng sapat at tama para makauwi ng maayos sa iyong pamilya. May kasabihan nga tayo na “Drink Moderately”.