Halos lahat naman ng trabaho ay mahirap dahil, Pero kung tutuusin ang pagiging isang OFW ang pinaka mahirap na trabaho.

Bukod sa iba ang kultura sa ibang bansa ay malalayo kapa sa mahal mo sa buhay.

Kaya naman dapat talagang parangalan o ituring nating mga bayani ang mga kababayan natin na nagtatrabaho sa ibang bansa para sa kanilang pamilya.

Nararapat din na mabigyan ng regalo ang mga OFW dahil sa kanilang dedikasyon at kasipagan sa pagtatrabaho.

Kamakailan lang ay may nag viral na video tungkol sa isang OFW na si Angel na nakatanggap ng munting regalo sa kaniyang amo.

Ang video na nag-viral na ito ay in-upload sa youtube ng amo ni Angel na isang vlogger na may pangalan na “The Hungry Syrian Wandere”.

Mapapanood sa video kung paano sinagawa ang ginawang surpresa sa masipag at mapagkakatiwalaang empleyado.

Ang naturang surpresa ay pinaghandaan talaga ng kanyang amo at tinaon sa kaarawan ni Angel, kung saan kinuntsaba nya din ang iba niyang empleyado.

At ang pinakamagandang parte ng surpresa na ginawa ng kanyang amo ay ang regaluhan nito si Angel ng isang bahay.

Hindi naman makapaniwala si Angel sa mga nangyayari, wala na itong ibang masabi kundi lubos na pasasalamat sa ibinigay sa kanya ng kanyang mabuting amo.

Sambit ng kanyang amo na Bahay ang napili niyang iregalo kay Angel dahil alam niya na mas kailangan ito ni Angel.

Samantala, Ang naturang amo ni Angel ay nanatiling andito sa ating bansa at nangungupahan lamang ito.

Ngunit kahit na ito ay nangungupahan lamang ay walang problema sa kanya dahil mahal niya ang ating bansa at mas pinili nito na dito manatili.

Dagdag pa dito, Ayaw na siya paalisin ng kanyang amo dito sa bansa upang magtrabaho dahil alam niyang dating OFW si Angel, sinabi pa nito na bibigyan niya si Angel ng kagamitan na maaring kailanganin nito sa bahay.

Ito ang nagpapatunay na paggumawa ka sa kapwa mo ng kabutihan ay babalik sayo ng mas higit pa.

Ganito ang nangyari kay Angel nagpakita siya ng kasipagan at kabutihan sa kanyang amo kaya biniyayaan siya ng isang regalo na buong buhay niyang hindi makakalimutan.