Minsan ang tao ay hindi makuha sa mga kwento at mas nagnanais pa ng karanasan upang mapaniwalaan. Kagaya na lamang ng isang photographer at vlogger na ito na kung saan buwis buhay na inalam ang kaganapan sa loob ng whirlpool

Kung titingnan natin ang whirlpool, tunay ngang nakakatakot ito na tila ba ay nanghihigop. Isa itong mabilis na pag-ikot ng tubig sa dagat na maski bihasang mga manlalangoy ay takot din dito dahil maaaring hindi na tayo makaligtas sa oras na tayo ay mahigop nito

Ngunit dahil sa kruyosidad, buong tapang na tinalon ni Jacob Cockle, isang British na kilala sa kaniyang mga video patungkol sa mga underwater activities sa iba’t ibang lugar kagaya na lamang nito.


Nais niyang malaman kung ano ng aba ang nangyayari sa loob ng whirlpool kaya naman gamit ang kaniyang camera nan aka pokus sa tubig, napag- alaman na ang whirlpool pala ay parang buhawi sa ilalim ng dagat na may napakalakas na impak ng tubig.


Masuwerte si Jacob at ligtas siyang nakaahon muli. Dahil sa kaniyang buong tapang, ito ang isa sa kaniyang sikat na video at dito siya mas nakilala pa ng tao.

Hindi masama ang tumuklas ng mga bagay- bagay ngunit isaalang alang pa din natin an gating mga sarili at ang mga kapahamakan sa likod ng mga ito.