Hindi man nagiging patas ang tadhana sa ating buhay, minsan ay nasa tao na lang din kung paano niya babaguhin ang ikot ng kaniyang mundo gamit ang natatanging pagpupurisge, dedikasyon, disiplina, sipag at pagtatyaga.

Ang ating Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo ay umaming hindi naman siya nanggaling sa isang marangya at mayamang pamilya.

Siya ay ipinanganak na may payak at simpleng pamumuhay. Kinailangan niyang magsumikap upang tulungan ang kanilang ina sa pagtataguyod ng kanilang pamilya.

Kwento niya, limang taon pa lamang siya noon nang iwanan sila ng kanilang amang Indiano kaya naman hindi naging biro ang hirap na pinag daanan nilang magkakapatid maging ang kanilang mama.

Ayon sa panayam niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho, ang kaniyang ina daw talaga ang nagtaguyod sa kanila sa probinsya at sinabi niya sa kaniyang sarili na kinakailangan niyang magsumikap sa buhay dahil naranasan nila noon ang mawalan ng kuryente, mahiga sa banig at magtrabaho sa murang edad.

Natuklasan niya din daw noon na maaaring kumite ng malaki sa pag-mo-modelo at pagiging brand ambassadress kaya naman hindi niya na pinalampas ito at kinuha ang oportunidad para kumita ng pera pandagdag sa gastusin ng pamilya.

Nasuklian lahat ng kaniyang paghihirap at pagtatyaga sa pag- aaral kasabay ng pagtatrabaho sapagkat nakapagtapos siya ng kursong “Physical Therapy” ay Cum Laude pa!

Dagdag pa niya, walang dahilan para ikahiya ang kaniyang mga karanasan. Nais niyang makilala siya ng tao hindi lang bilang isang beauty queen kung hindi isang babaeng iginapang ang buhay. Dugø, pawis at sakripisyo ang kaniyang ibinigay.

Paalala niya “Sinasabi ko sa lahat, basta maniwala lang kayo sa pangarap niyo, matutupad talaga. Tingnan niyo ako ngayon”.