Umani ng magkahalong pambabatikos at pagsuporta ang ating kandidatang ipinanlaban sa Miss Universe na si Rabiya Mateo sa naganap na National Costume.

Patuloy na umiikot ang iba’t ibang larawan at videos ni Rabiya sa social media na kung saan inulan ng mga komento mula sa mga opinion ng netizens.

Ang national costume na isinuot ni Rabiya ay hango sa disenyo ng ating pambansang watawat. Ito ay ginawa ng designer na si Rocky Gathercole na binawian ng buhay kamakailan lamang. Habang ang kaniyang headdress ay gawa ng jeweler na si Manny Halasan mula sa Bulacan.

Ibinahagi sa Instagram ng Aces and Queens, na training camp ni Rabiya, ang kabuuang national costume nito. Kapansin pansin na sa mismong araw ng kompetisyon ay wala ang kaniyang headdress na araw na bubuo sana sa disenyong watawat.

Madami ang nagtaka at nagtanong kung bakit kaya naman ipinaliwanag ng Miss Universe Philippines National Director na si Shamcey Supsup na hindi kayang isuot ni Rabiya ang Headpiece dahil ito ay nahuhulog lamang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aces & Queens (@aces_and_queens)

Bukod pa doon, mabigat na ang kaniyang dinadalang pakpak na may timbang na 21 kilos.

Kinailangan din daw gupitin ang mahabang tela sa ibaba dahil madami ang nagsasabi na kabastusan daw iyon sa watawat kung sasayad ito sa sahig.

Gayun pa man, mapapanood sa video na maayos at maganda pa din ang naging performance ni Rabiya sa kaniyang pagrampa sa kompetisyon

Dahil sa mga nangyari, halo ang naging reaksyon ng mga Pilipino. Anuman ang mangyari nawa patuloy pa din nating suportahan ang ating kandidata hanggang sa dulo.