Marahil marami ang nakakakilala sa aktres na si Blythe o mas kilala bilang si Andrea Brillantes.

Ang aktres ay usap-usapan ngayon sa social media at hinahangaan ng mga netizen dahil sa ipinatayo nito na kanyang “Dream House” sa sarili nitong pagsisikap.

Ayon kay Andrea, para daw maipatayo ang kanyang pinapangarap na bahay ay hindi bumibili ng mamahaling mga gamit o luho, tulad ng mga bags at sapatos dahil mas inuuna daw niya umano ang mas mahahalagang bagay.

Bata palang daw si Andrea ay pangara na talaga niya na makapagpundar at makapagpatayo ng sariling bahay para sa kaniyang Pamilya. Dahil madalas daw ay nangungupahan lang sila ng kanyang pamilya.

“Sa squatter’s po. Simple lang po talaga. Magulo. Nakikitira lang po kami sa grandparents ko,”

“Gusto kong malagay yung family ko sa subdivision. May hagdan, may aircon and gusto ko kasi magkakasama kami,” -ayon kay Andrea.

Ang ipinatayong dream house ni Andrea ay mayroong tatlong palapag. Makikita sa unang palapag ang living room, dining room at ang kitchen.

Naglagay din siya dito ng powder room, movie doom at kwarto para sa kanyang pinakamamahal na lola.

Dagdag pa diyan maglalagay din daw si Andrea ng swimming pool sa kanilang tahanan. Balak din umano ng aktres na palagyan ng aircon ang buong bahay.

Mula naman sa isang netizen na eksperto pagdating sa mga bahay ang bahay daw ni Andrea ay umaabot sa 20 Million pesos.

Marahil ang ganitong biyaya kay Andrea ay nararapat lamang sa kanya dahil ito ay bunga ng kanyang pagsusumikap. Umani naman ng papuri at paghanga ang aktres dahil sa kanyang achievement na ito.

Narito ang ilan sa mga komento ng tagahanga ng aktres.

“Deserve mo yan Andrea, bata ka palang napapanood na kita at kitang kita ang fashion mo sa pag-arte para sa iyong pamilya. Godbless”

“Congrats blythe suggestion lang po much better if ipasok nyo po yun mga golden barrel cactus nyo kc panigurado may matetempt na magnakaw nyan mahal pa naman po.”