Minsan sa murang edad pa lamang ay nakararanas na tayo ng mga mabibigat na responsibilidad.

Kagaya na lamang ng isang panganay na tumatayong magulang para sa mga mas nakababatang kapatid o hindi kaya man ay literal na nagiging batang magulang dahil sa pabugso-bugsong desisyon.

May mga batang ina o batang ama ang siyang nagsasakripisyo ng kanilang kinabukasan para tumayong mga magulang sa murang edad.

Habang ang iba ay pinag sasabay ang pag aalaga sa anak at ang pag papatuloy ng pag- aaral.

Kagaya ng Aktres at Host na si Valerie Concepcion na kung saan nagsilbing inspirasyon para sa mga katulad niyang naging ina sa hindi inaasahang panahon. Nagka-anak si Valerie noong siya ay 16 anyos pa lamang.

Isiniyasat ng Aktres ang kaniyang malungkot na nakaraan sa kaniyang panayam sa Magandang Buhay.

Ayon sa kaniya, dahil na nga menor de edad pa sila ng kaniyang ex- boyfriend nang sila ay mag ka- anak, hindi pa pumayag ang magulang ng lalaki na sila ay ipakasal.

Sinabi na antayin munang tumungtong sa 18 ang lalaki bago ito pakasalan. Ikinulong pa nga daw siya sa bahay pagkat natatakot ang kaniyang magulang na baka humantong na lang ito sa tanan.

Ngunit napaka sakit na katotohanan na nag antay ng matagal si Valerie ngunit walang tumupad sa usapan.

Itinaguyod mag- isa ni Valerie ang kaniyang anak na si Heather Fiona. Nagsilbi itong lakas niya sa bawat laban sa buhay kasama na nga ang suporta ng kaniyang pamilya.

Unti- unti ay nakabangon sila Valerie hanggang sa natagpuan niya ang kaniyang non- showbiz boyfriend na ngayon ay kaniya nang asawa na si Francis Sunga na tinanggap ng buong buo si Valerie at ang nakaraan nito.

Syempre, hindi din tinalikuran ni Valerie ang kaniyang pag aaral. Nakapagtapos siya ng B.A in Psychology at masayang nabubuhay kasama ang kaniyang asawa at dalaga na din ang kaniyang anak.

Napakagandang inspirasyon ang ibinahagi ni Valerie na dapat ay matuto tayong bumangon kung tayo ay nadarapa at patuloy na lumaban sa buhay kung nais na magtagumpay.