Sino nga naman ba ang hindi nakakakilala kay Willie Revillame o mas kilala bilang Kuya Wil.

Noon pa man ay tanyag na siya sa kaniyang pagiging TV host dahil sa galing nito sa pang- aaliw ng mga manunuod at pagiging bukas palad sa mga nangangailangan.

Sa tagal niya sa industriya, madami na siyang naipundar na mga ari- arian at negosyo. Naging matagumpay ang kaniyang mga negosyo kagaya na lamang ng isa sa mga sikat na sikat na mga mall sa ating bansa na Wil Tower Mall.

Nito lamang nakaraan ay nagdiwang siya ng kaniyang ika-60 kaarawan. Dahil madami siyang napasaya at natulungang tao, panahon naman upang regaluhan ang kaniyang sarili ng magarbo.

Masayang ibinahagi ni Kuya Wil ang kaniyang unboxing ng kaniyang bagong biling sasakyang pang himpapawid na Helicopter.

Tingin pa lamang ay talagang batid na nating hindi biro ang halaga nito. Hindi din basta basta ang naging proseso pagkat nag enroll pa si Kuya Wil ng flying lesson at dumaan sa iba’t ibang test upang magkaroon ng otoridad na paliparin ang kaniyang helicopter.

Bagaman ito ay iniregalo niya sa kaniyang sarili, sinabi niyang ito din ay isang paghahanda kung sakali mang kailanganin ng ating mga kababayan ng tulong sa tuwing may kalamidad.