Wala ng papantay pa sa pagmamahal ng ating mga magulang maging Ina man o ating Ama, kailan man ay hindi ito mapapalitan lahat ay kaya nilang tiisin at isakripisyo para sa mga mahal nila sa buhay.

Tulad na lang ng isang kwento at larawan na ipinost sa Facebook ng concerned citizen na si Jenny Sumalpong na pumukaw sa atensyon ng marami.

Ito ay ang tungkol sa isang ama na nakilala bilang si Jeric Aquino Treste na nakaupo sa sahig ng isang øspital habang siya ay nagbibilang ng mga barya na kaniyang inipon para sa øpérasyon ng kaniyang anak na si Zhianna Ezra Treste o mas kilala sa palayaw na Baby Esang.

Nanawagan si Jenny na ang kanyang post ay i-share ng mga netizen upang sa gayon ay marami ang makabasa at makakita nito na maaaring makatulong sa mag-ama para sa li√er transplant ni Baby Esang dahil ito ay may sakit sa atåy.

Hindi raw sapat ang kinikita ni Jeric para makapag ipon para sa øpérasyon ni Baby Esang.

Napag-alaman na ang pamilya ni Jeric ay namamalagi sa ospital ng halos dalawang linggo dahil nagkaroon umano ng Flü si Baby Esang.

Gumawa ng Facebook Page sila Jeric para kay Esang ipang mai-dokumenta ang mga kaganapan sa kaniyang paggaling.

Nagpahayag dito si Jeric na ang kaniyang anak ay nagkaroon ng matinding ubo pero salamat raw sa Panginoon dahil muli nang nakakangiti at tawa si baby Esang.

Ayon naman sa kwento ng medical staff na naka duty ng mga gabi na yon ay ultimo sentimo ay binibilang ni Jeric para ipandagdag sa operasyon.

Tunay nga na lahat ay gagawin ng mga magulang para sa kanilang mga anak. Magtiis man o maghirap lahat ay kakayanin.