Usap-usapan na naman ngayon ng mga Netizen sa social media ang aktres na si Andi Eigenmann lalo kasing humahanga ang mga Netizen dahil sa pagiging simple ng pamumuhay ng aktres na ngayon ay nasa isang Isla kasama ang kanyang Pamilya.

Kahit pa lumaki sa mayaman at kilalang Pamilya si Andi ay nagawa niya parin manirahan ng simple at kontento kung anong meron sa isla kasama ang kanyang asawa`t anak.

Marami ang sumusuporta sa kwento ng buhay ng aktres maging ang kanyang mga taga-hanga noong siya ay nasa showbiz pa ay talaga sinusuportahan siya at ang kanyang asawa na si Philmar.

Kaya naman marami ang sumusubaybay sa kanilang Youtube Channel, Samantala sa kanilang latest vlog ay muli nanaman pinahanga at pinabilib ni Andi ang mga Netizen.

Ito ay nang kanyang mapagdesisyunan na itinda nalang bilang ukay-ukay ang kanilang mga luma ngunit mamahaling damit.

At ang labis na ikanabilib at ikinamangha ng madla kay Andi ay lahat daw ng mapagbebentahan nito ay kanyang ibibigay sa isang charity.

“Hi guys, we are in the playroom, we are organizing, sorting our clothes, our pre-loved for our ukay-ukay this weekend,” saad ni Andi.

Dagdag pa ni Andi na hindi lang daw siya ang magbebenta ng kanyang mga Preloved clothes, kundi maging ang kanyang panganay na anak na si Ellie.

Ang plano daw na ito ay matagal ng napag-isipan ni Andi na kanya talagang ibebenta ang mga Preloved nilang mag-ina.

Pahayag pa ng aktres ay para daw mapakinabangan umano ng iba ang mga gamit at makakatulong pa sila.

“Ang tagal ko nang gustong magkaron ng purpose yun mga pre-loved clothes namin.

“Alam ko na maraming ibang makikinabang and of course its better for the environment if I can see na na-pass on ko siya. But then, syempre, nahiya naman ako magbenta.”

Nagbago daw ang kanyang pananaw ng magtayo ng fundraising ang kanyang kaibigan sa Isla.

Ito raw ay para sa pagpapa-ayos ng kanilang health center at day care center sa naturang lugar.