Isang balita mula Brunei ang usap-usapan ngayon ng marami ito ay ang pag-anunsyo ng mga magulang ni Prinsipe Abdul Mateen ng Brunei kung saan naghahanap sila ng babaeng mapapangasawa ng prinsipe.

Para sa kaalaman si Prinsipe Abdul ay ipinanganak noong ika-10 ng Agosto taong 1991 siya ay ika-sampung anak ni Sultan Hassanal Bolkiah sa pangalawa nitong asawa na si Puan Hajah Mariam.

Sinasabi ng marami na kung sino man ang babaeng mapapangasawa ng Prinsipe ay napaka-swerte dahil halos lahat ng aspeto na hinahanap ng maraming babae ay nasa prinsipe na.

Bukod sa pagiging anak ng makapangyarihang tao sa kanilang bansa ay nanatili pa rin na normal ang buhay nito at nagagawa pa rin nito ang mga pangkaraniwang ginagawa ng mga binata.

Mas nakilala ang prinsipe ng ito ay lumahok sa South Asian Games taong 2017 at 2019 dahil siya ay mahusay sa larong polo.

Ang prinsipe ay may sariling eroplano na kanya mismong minamaneho, graduate din ang prinsipe at mayroon na Master’s degree sa International Studies and Diplomacy mula sa The School of Oriental and African Studies, University of London.

Samantala, ikinagulat ng marami ng iaanunsyo din ng Prinsipe na siya ay may napupusuan at nais niya itong makita ng personal, Ito ay walang iba kundi ang Filipino-Morocan na si Ivana Alawi.

Si Ivana Alawi ay isang Aktres sa bansa at sikat na Youtube Vlogger bukod dito isa rin si Ivana na kilala sa bansa bilang modelo.

Maliban sa likas na ganda nito at kaseksihan kilala ng marami si Ivana na may mabuting kalooban na tumutulong sa kanyang kapwa lalo na sa mga taong nangangailangan.

Ayon sa Prinsipe, Nabighani daw siya kay Ivana ng ito ay kanyang mapanood sa Youtube sa pamamagitang ng isa sa kanyang mga tauhan na tagahanga ni Ivana.

Ngunit marami ang nagtatanong, papasa nga kaya kay Ivana ang Prinsipe, Sa isang interview kay Ivana naisisingit ang tanong kung may pag-asa nga ba ito ngunit ayon sa aktres ay wala pa sa kanyang utak ang pagkakaroon ng boyfriend.

Pahabol pa ng aktres at vlogger ayaw daw niya sa mga taong maporma at mayabang at hinding hindi daw siya mabibili o masisilaw sa pera.