Sa mürang edad ng child Star na si Xia Vigor isa na pala siyang eredera ay siya lang ang tanging tagapagmana ng maraming ari-arian ng kanyang ama sa England.

Ang batang aktres ay isa sa mga kilala at hinahangang child star sa Philippine showbiz industry.

Sa kanyang limang taon sa showbiz ay talagang maraming napabilib na mga tagahanga at tagapanood ng kaniyang talento sa pag-arte.

Unang nakilala ang British-Filipino child actress noong siya ay tanghalin bilang Grand Winner ng segment na ‘Mini-Me 2″ sa It’s Showtime.

Si Xia rin ay miyembro ng Viva Entertainment Family, matapos niyang pumirma noong nakaraang taon ng kontrata.

Nagkaroon ng panayam kay Xia sa kanyang contract signing noon sa Viva kasama nito ang kanyang Ina at nakatatandang kapatid na lalaki.

Dito ay kanyang naikwento na pangarap niyang maging isang weightlifter. Hanggang sa naging salon girl ngunit ngayon ay tila mas gusto na niyang maging isang artista.

Makikita naman kung paano sumagot sa press ang batang artista kitang-kita kita rito ang pagiging magalang at mabait.

Kahit pa isa siya sa pinakasikat na batang artista ngayon ay may po at opo parin ang kanyang sagot.

Ibinahagi din niya na walang nagbago sa kaniyang pamumuhay kahit pa marami ng nakakakilala sa kaniya.

Kahit pa daw siya ay nasa eskwelahan, sinabi niya na hindi siya tinatrato ng kaniyang mga ka eskwela na espesyal.

Sa interview rin niya ibinahagi ng kanyang ina ang tungkol sa mga mananahanin ni Xia sa kanyang Ama.

Mayroon daw pagmamay-ari na labing apat na bahay ang ama nito sa England. Lahat daw ng iyon ay si Xia ang magmamana.

Hindi naman akalain na sa murang edad ni Xia ay isa na pala siyang Heredera. Mayroon din Salon sa England sina Xia at ito ang kanilang source of income.

Panoorin sa baba ang video: