Ang tagumpay  ay hindi nasusukat sa taas ng iyong narating o nakamit. Ito ay naka depende sa tao kung ano ba ang iyong ninanais na pangarap.

Ngunit kung ikaw ang tatanungin ano ang ibig sabihin sayo ng tagumpay? Kapag ba ikaw ay mayroon ng magandang tirahan at kumikita ka ng malaking pera masasabi mo na bang isa ka nang matagumpay na tao? O kaya naman ay Ikaw ay walang sariling bahay  ngunit mayroon ka naman na maayos na trabaho at kapiling ang iyong anak at asawa, maari mo na bang matawag na ikaw ay matagumpay?
Siguro nga ay iba-iba ang ating kahulugan ng tagumpay at kasiyahan natin dahil unang-una ay iba-iba din ang ating prayoridad sa buhay.
Ngunit ang panigurado lahat sa atin ay nangangarap na matagpuan ang ating makakasama sa buhay Tulad na lamang ng lalaking tampok sa ating kwento, Siya ay si Marlon Cajucom isang “online shopping app rider”.
Hindi inaasahan ni Marlon Cajucom na sa kaniyang pagiging delivery rider ay dito niya matatagpuan ang magpapatibok sa kanyang natutulog na puso. Sa lumabas na ilang kwento at balita tungkol sa mala pelikulang pag-iibigan ni Marlon at ng kanyang Nobya, hindi daw basta ordinaryo ang ka ilang kwento.
“Naalala ko pa nung una kitang nakilala lagi akong excited pumasok lagi sa trabaho para i-check kung mababasa ko ba ang pangalan mo sa runsheet ko tuwing umaga!” Pahayag ni Marlon.
Nagsimula daw ang lahat ng kanyang maging regular na kustomer ang Nanay ni Jhasin May Benito. Minsan daw ay nakapag deliver siya kay Nanay Mary Grace Ina ni Jhasin nang dis oras ng gabu na ikinagulat ng Matanda.
Dahil sa ipinakitang kasipagan sa trabaho, natanong siya nito kung mayroon na ba itong asawa. Agad naman niya itong sinagot na wala pa siyang asawa.
At dito ipinakilala ni Nanay Mary Grace ang kanyang anak na si Jhasin May kay Marlon.
Ilang buwan ang nakalipas  nang magkilala ang dalawa ay naging maayos ang samahan ng dalawa na nauwi sa pag-iibigan noong ika-5 ng Nobyembre at nitong buwan naman ng Enero 26 ay nagpakasal ang dalawa. Pahabol naman ni Jhasin ay kahit pa daw sobrang busy ng kanyang asawa sa pagtatrabaho ay hindi ito nakakalimot na siya ay pakiligin at alagaan palagi raw itong nagbibigay sa kanya ng bulaklak.