Ang mga Pinoy ay likas na sa pagiging madiskarte at masipag ngunit hindi rin maipagkakaila na ang mga Indiano o mas kilala sa tawag na “Bumbay” ay may angking kasipagan din at galing pagdating sa diskarte. Kung ang iba nating kababayan ay nagtutungo sa ibang bansa para magtrabaho ang ibang lahi naman tulad ng Intsek at Indiano ay dumarayo sa ating bansa upang dito maghanap ng pera .
May mga nagsasabi kasi na may malaking pera daw sa Pinas, Tayo lamang mga Pilipino ang hindi nakaalam kung paano ito hahanapin. Totoo nga kaya ang kasabihan na to?

Samantala dahil marami sa ating mga kababayan ang sala’t sa buhay at lubog sa kahirapan kung kaya ito ang mga nagiging suki ng mga Bumbay sa kanilang mga pautang na paninda o hindi naman kaya ay pera.

Ang pagpapautang ng pera ng mga Bumbay ay may malaki rin naitutulong dahil ang mga ito ay walang alinlangan na nagpapautang, Ang iba nga ay ito ang ginagawa nilang kapital sa pagsisimula ng negosyo. Ngunit kung minsan ang nakakalungkot ay mayroon mga taong sila ay tatakbuhan at hindi babayaran ngunit sila ay patuloy pa rin sakanilang negosyo.

Kaya naman ngayong pandemiya, marami ang mga taong sa kanila ay lumapit upang mangutang at nangangailangan ng tulong, pero ang mga Bumbay o Indiano ay apektado rin ng pandemya lalo na ang kanilang paniningil dahil sa walang maibabayad sa kawalan ng trabaho ng mga tao.

Subalit para sa mga Bumbay ay hindi ito naging hadlang sa kanila upang tumulong sa mga taong labis na nangangailangan, Sila ay mayroon tinatawag na grupong “Makataong” mga Bumbay sa Bulacan na siyang namimigay ng tulong.

Ang grupo ng mga Bumbay na ito ay Nagbahay-bahay sa kanilang mga masusugid na suki hindi para maningil kundi para mamigay ng relief goods na makasasapat ng ilang araw.


Ang pagtulong ng mga Bumbay ay sumikat sa Facebook matapos itong ibahagi ng Page na Master Epong. Ang naturang post ay may nakalakip na 25 litrato kung saan makikita ang mismong pagaabot ng tulong ng mga Bumbay sa mga Pinoy.

Ayon sa post ng Master Epong,

“Pasikatin natin itong grupo ng mga bumbay na ‘to. Sa halip na maningil ng mga pautang ay namigay muna sila ng mga relief goods sa mga customer at ibang kababayan natin na kinakapos dahil sa lockdown. Pinairal muna nila ang pagiging makatao bago negosyo dahil sa krisis na pinagdadaanan natin sa C0VID-19

Labis ang paghanga ng mga kababayan natin sa ginawang pagtulong na ito ng mga Indiano o Bumbay, dahil sa kabila ng pagiging ibang Lahi ay hindi nila nakalimutan tumulong sa ating mga kababayan. Mabuhay kayo!