Talagang kahanga-hanga ang ating mga magulang dahil kaya nilang pagsabayin ang trabaho at kanilang responsibilidad sa kanilang mga anak. Tunay na napakahirap ang maging isang magulang dahil halos buong araw nila ay walang oras para magpahinga ang kalahating araw ay sa trabaho at ang kalahati ay para sa atensyon ng kanilang mga anak.

Ngunit kahit mahirap ay kinakaya ng isang magulang ang lahat responsibilidad na ito, kailangang tiisin lahat ng hirap para na rin sa ikabubuhay ng pamilya. Kaya kahit pagsabayin ang trabaho at responsibilidad sa pamilya ay kakayanin.

Katulad ng kwento at larawan na ibinahagi sa social media ng netizen na si Jeff Magno, makikita sa larawan ang isang security guard ng pawnshop na kasama ang anak nito habang naka duty sa kanyang pwesto.


Ayon sa kwento ng netizen habang siya ay nakapila kasama ang kanyang pamangkin sa nasabing pawnshop na pinag tatrabahuhan ng security guard. Umagaw sa kanyang atensyon ang security guard na may kasamang bata dahil siya nagtataka kung bakit may kasama itong bata ay kanyang tinqnong ang security guard.

Naantig naman ang puso ng netizen na si Jeff ng malaman niya ang tunay na dahilan kung bakit kasama ng security guard ang kanyang anak. Tinanong ni Jeff kung bakit kasama nito ang anak nito at kung may sakit ba daw ito, naging sagot naman ng security guard na ipinanganak daw kasi ang kanyang anak na pre-matured.

Siguro ay para sa Manong security guard ay walang mag-aalaga sa kanyang anak kaya naman naging solusyon niya ay dalhin at isama nalang ang kanyang anak sa trabaho upang ito ay kanyang mabantayan at maalagaan.

Nang maibahaginang kwento ni Manong security guard sa social media ay agad itong nag viral. Maraming mga netizen ang bumilib at humanga sa security guard dahil sa pagiging huwarang ama nito na sa kabila ng pagtatrabaho ay napagsasabay nito ang responsibilidad bilang ama. Marami din ang nagkomento at pinupuri ang employer ng security guard dahil naiintindihan ang sitwasyon ni Manong sekyu na kailangan niyang alagaan at ingatan ang anak kahit pa nasa oras ng trabaho.


Narito naman ang ilang komento at reaksyon ng mga Netizen:

“Saludo sayo tay, may awa ang Diyos magiging maayos din po ang anak niyo”

“Kudos din po sa employer ni manong guard kasi naiintidihan ang sitwasyon niya at pumayag na mag duty kasama ang anak ni manong”

“God will bless you for being good father, I salute you”.