Ang pagkakaroon ng mga anak ay isang biyaya mula sa itaas. Madami ang hindi nabibiyayaan ng mga supling kahit pa sila ay may kakayanang buhayin at palakihin ang mga ito.

Samantala, nariyan din naman ang mga iresponsableng magulang na hindi ginagampanan ang kanilang responsibilidad sa kanilang mga anak.

Umiikot ngayon sa social media ang tatlong magkakapatid na inabandona mismo ng kanilang sariling ina dahil sa kahirapan.

Makikita sa larawan ang pinagtagpi- tagping yero sa kanilang likod ang siyang tinutuluyan at tinutulugan ng tatlong ito.

Walang magulang o maski kamag- anak ang sumaklolo sa kanila. Ang dahilan ng pag- iwan sa kanilang ina ay dahil nais nitong takasan at talikuran ang responsibilidad niya sa mga bata dahil hindi niya makayanan ang hirap ng buhay.

Ang larawan at kwento ay ibinahagi sa Facebook Page ng Heaven Elements na kung saan ginamit ang plataporma upang manghingi ng tulong para sa kaawa- awang magkakapatid.

Narito ang caption ng post:

Repost.

Please !!!! Tugunan po ninyo.nang pansin..

MAGKAPATID NA DUMANAS NG MATINDING HIRAP. INIWAN PA NG INA MAHIGIT NG ISANG TAON. AYON SA KWENTO LUMAYAS ANG INA DAHIL SA SOBRANG KAHIRAPAN.

TULONG TULONG PO TAYO.

SHARE YOUR BLESSINGS.

Kuya Val 09291132469

Nawaý magsilbing aral na ito para sa marami. Hindi ginusto ng mga batang isilang sa masalimuot na mundo kaya maging responsableng magulang tayo na gagabay sa kanila hanggang dulo.