Natural sa buhay ang tumanda at magkaroon ng gulang. Ang iba ay gumagastos pa ng malaki upang hindi mahalata sa kanilang pisikal na kaanyuan ang kanilang edad.

Samantala, isang nakapagtatakang pangyayari ang kinalagyan ng isang dalagang may edad na 16 taong gulang ang nagmistulang 50 taong gulang na matandang babae.

Narito ang naging karanasan ng isang 16 taong gulang na dalaga mula sa Cotobato na kung saan bigla na lamang tumanda ang kaniyang hitsura at nagmukang 50 anyos na!

Ang dalaga ay nakilala bilang si Raizel. Isang normal na araw lamang noon nang napansin niyang kumukulubot ang kaniyang balat mula leeg pababa ng kaniyang katawan.

Hindi naglaon ay kumulubot na din maging ang balat niya sa mukha.

Nakaranas ng pang aalipusta si Raizel at inihalintulad siya sa isang gulay na ampalaya. Sa labis na pagkahiya ay hindi na niya magawang lumabas ng kanilang bahay.

Marami ang nakapansin sa mabilis na pagbabago ng hitsura niya. Ngunit sa tuwing siya ay tatanungin kung bakit naging ganoon ang kaniyang kondisyon, wala din siyang maisagot sa mga katanungang iyon dahil hindi niya din alam kung ano ang nangyayari sa kaniyang sarili.

Hiling niya na mabigyang linaw ang kaniyang kalagayan at matukoy ang anumang sanhi ng kaniyang karamdaman.

Nais niyang mamuhay kagaya ng kapwa niya dalaga ngunit hindi niya alam kung paano.

Sama sama nating subaybayan ang kabuuang kwento at kumpletong detalye ay ibabahagi ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa darating na Linggo (Hunyo 20).