Sa pamamagitan ng social media maraming tao ang nababalitaan natin na labis na nangangailangan ng tulong kaya naman dahil dito mas napapabilis ang pagbibigay ng tulong at napapadali ang paghahanap sa mga taong labis na nangangailangan nito.

Kada araw ay marami tayong nababasang nakakalungkot at nakakaawang kwento tungkol sa ating mga kababayan na walang-wala sa social media.

Katulad ng kwento ng isang 90-anyos na si Lola Lucin, ayon sa nagbahagi ng kwento ni Lola na si Jun Butac nakatira umano si Lola Lucin sa Maanyemg Solsona, Ilocos Norte.

Ibinahagi ng concerned citizen na si Jun ang kanyang nasaksihan na kalagayan ni Lola Lucin, kahabag-habag ang sitwasyon ni Lola naantig at nag-alala si Jun para kay Lola Lucin kaya naman naisipan niyang ibahagi ang mga larawan nito sa social media at nagbabakasakali na may mga mabubuting tao na tumulong kay Lola.

Sinabi ni Jun sa kanyang post na sobrang hirap ang kalagayan ni Lola Lucin sa buhay walang wala daw ito kaya naman umaasa nalang ito sa pamumulot ng makakain at pinagkakasya sa buong araw kung mayroon man siyang mapulot na pagkain.

Ang labis pang kinahabag ni Jun ay nang malaman niyang si Lola Lucin ay mag-isa na lamang, kaya sa kabila ng kanyang edad ay wala siyang pagpipilian kundi ang magtiis na humanap ng paraan para makakain.

Dahil sa tulong naman ng social media mabilis kumalat ang sitwasyon ni Lola kaya ng malaman ito ng mga taong handang tumulong ay agad-agad na bumuhos ang tulong kay Lola.

Isa na diyan ay si Ma’am Rona nagpatulong siya na matunton kung nasaan si Lola Lucin upang magbigay ng tulong dito.

Labis na nakakahabag at nakakadurog ng damdamin ang sitwasyon ni Lola Lucin, kaya naman ng may mag-abot ng tulong ay bakas sa mga ngiti ni Lola Lucin ang kasiyahan.

Isang biyaya na daw ito sa kanya at nagpapasalamat siya sa mga taong tumutulong sa kanya.