Kailan lang ay naging mainit sa mata ng mga netizen ang vlogger na si Buknoy Glamur, ito ay matapos magviral ang isa sa kanyang video na tila minamaliit nito ang mga tricycle drivers.

Pahayag pa ng ilang mga netizens, naging napaka insensitive raw ang ginawang pahayag na ito ni Buknoy dahil sa sobrang hirap ng mga dinaranas ng mga tricycle drivers tuwing sila ay mamasada kahit maghapon at magdamag mayroon lang maipakain sa pamilya at maipang bayad sa tuition sa pag aaral ng anak.

Ayon kasi sa mismong sinabi ni Buknoy sa kanyang video “wala raw direksyon at hindi matutupad ang mga pangarap ng mga tricycle drivers sa kanilang pamamasada”.

Ani naman ng mga netizen nanggagalaiti sa galit kay Buknoy hindi raw naisip ng influencer na dahil sa paghihirap at pagsusumikap ng mga tricycle driver ay natutugunan nila ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya.


Samantala, kasunod ng maiinit na balita tungkol sa influencer na si Buknoy, Naging trending topic ang isang Post ng Facebook Page na may pangalan na “Pesos Sense”.

Ito ay ang ibinahaging kwento ng isang pamilya sa kanilang pagtatagumpay sa buhay, Ayon dito nakapagtapos ng pag-aaral ang mga anak at pinapagawaan ng isang malaking mansyon ang kanilang mga magulang.

Ang kwento na ito mismo ang nagpapatunay na kahit tricycle driver ang trabahobng kanilang Padre de pamilya ay may patutunguhan ang kanilang buhay dahil na rin sa taglay na sipag at tiyaga ng kanilang Ama na isang Tricycle Driver. Idagdag pa riyan ang maayos na pagpapalaki nito sa kanyang mga anak.

Ayon naman sa kwento ng magkakapatid, ang kanila raw ama ay isang tricycle driver habang ang kanilang Ina naman ay isang mananahi.

Ang kinikita raw ng kanilang mga magulang ay “hindi sapat” kaya naman gumawa sila ng paraan para kahit papaano ay makatulong, silang magkakapatid ay naging working student at nagsumikap sa pag aaral para maging mga iskolar, at hindu naman sila nabigo dahil lahat sila ay nakakuha ng iskolar sa pag-aaral.


“Sa tulong at awa naman ng Diyos, nakapagtapos po kaming apat. Ako po ay Electrical Engineer, ang pangalawa po ay Civil Engineer, ang pangatlo po ay Math teacher at ang bunso naman po ay isang Mechanical Engineer. Sa tulong po ng dasal, tiyaga at sipag nakapasa din po kaming lahat sa board exam (1 take).”

Dagdag pa ng isa sa mga anak ng tricycle driver, Marahil alam daw ng Panginoon ang ginawang sakripisyo at tiniis na hirap ng kanilang mga magulang para lamang sila ay maitawid sa tagumpay. Sa ngayon ay nakapagpatayo na rin sila ng kanilang bahay dahil dati raw ay nakatira lamang sila sa isang maliit na apartment.

“Eto po ay patunay na may Diyos, Nakikita niya ang lahat. Kailangan lang po nating manalig at sabayan ng tiwala, sipag at tiyaga. Kaya pi natin maabot ang lahat. Kahit kapos, kahit mahirap. Salamat mga Ka-PESO”